^

PSN Showbiz

Nanay ni Sarah, proud na naging kasambahay sa Switzerland

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Nanay ni Sarah, proud na naging kasambahay sa Switzerland
Sarah Lahbati at Ester Lahbati
STAR/ File

Deleted na ang comment ng basher na nagpainit sa ulo ng mom ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati, kaya ang sagot na lang nito ang mababasa. Kung iintindihin ang sagot ng mom ni Sarah, tila tungkol sa trabaho nito sa Switzerland ang comment.

“To make it clear madam what’s wrong? Kung magtrabaho ako sa bahay? marangal na trabaho yan... eto sasabihin ko sa iyo isara mo na lang bibig mo kung di lang maganda ang sasabihin mo nang iistorbo ba ko sa iyo?

“May Swiss Passport ako and i can go anywhere in the world w/o visa, I can work anywhere in EUROPE? Ikaw ano ginagawa mo pamilya mo na lang intindihin mo. for your information hindi ako nagtatrabaho sa chocolate factory may proof ako na nagtrabaho ako sa Geneva International Airport sa CHOCOLATERIE sa loob ng duty free shops,” sagot ni Esther sa basher.

Pinayuhan si Esther na ‘wag nang patulan ang basher dahil fake ang account nito at troll ito.

May mga dumepensa sa kanya na disente ang kanyang trabaho at wala siyang dapat ipaliwanag sa mga basher.

Sa post niya, pabalik na sila ng Manila mula sa ilang araw na bakasyon sa Bohol.

Ano naman kayang isyu sa mga Lahbati ang mababasa natin ngayong nasa Manila na sila?

Michelle, pinauuwe na ang‘Honey’

Nag-comment lang si Michelle Dee sa Instagram ni Rhian Ramos ng “Honey come home!!!” na pinapauwi ay si Rhian na kasama ang boyfriend na si Sam Verzosa at mga kaibigan, kabilang si Max Collins na sa Hong Kong nag-New Year, humaba na ang reaction ng netizens.

May mga comment na pinare-relax lang si Michelle at marami ang nag-comment na uuwi na po (kahit hindi sila si Rhian) at sila na lang ang uuwi sa piling nito. May comment pang “ako na lang kasi.”

Ang napansin namin, ang mga nagko-comment ay pawang mga babae at aminado silang crush nila ito. Nabasa rin namin na nili-link siya kay Samantha Panlilio, ang Miss Grand Philippines 2021. Ang ibig nitong sabihin, tanggap ang gender niya at marami nga ang may crush sa kanya.

Anyway, napapanood siya sa Black Rider, pero may mga request na isama siya sa Season 2 ng Running Man Philippines dahil babagay raw siya sa reality game show.

Gusto ng Kapuso fans na si Michelle ang ipalit kay Ruru Madrid na hindi makakasama sa Running Man 2 dahil sa Black Rider.

Matupad kaya ang wish ng Kapuso fans na mapabilang si Michelle sa cast ng season 2 ng Running Man?

Malapit na ang cast reveal dahil malapit na silang lumipad pa-Korea at doon ang shoot ng new season.

Shagab fans, hindi nawawalan ng pag-asa

May nag-boycott nga ba sa ShaGab fans sa Metro Manila Film Festival entry nina Sharon Cuneta at Alden Richards na Family of Two? Nabasa namin ang tungkol dito sa mga comment sa Instagram ni Gabby at umaming hindi nila pinanood ang pelikula ng Cineko Productions dahil nga sa mga cryptic post ni Sharon na feeling ng ilang fans ay patungkol kay Gabby.

In fairness, hindi man number one ang movie nila, maganda pa rin ang box-office result nito. Naso-sold out sa mga sinehan at maganda ang review.

Nitong huli, may post si Gabby na may title na Stolen Life and again, ang paniwala ng ilang ShaGab fans ay sagot ni Gabby sa earlier cryptic post ni Sharon.

Sa mga comment, nagpahayag sila ng lungkot sa nangyari na naman sa ShaGab love team na mukhang hindi na naman uli magkakasama sa mga proyekto.

Nasabi na ni Sharon na hindi na matutuloy ang repeat ng Dear Heart concert nila ni Gabby sa Feb. 13, 2024, kaya nganga na naman ang  fans. Pero, may mga hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na magkakasundo uli ang dalawa para na rin kay KC Concepcion.

Ang ganda ng payo ng isang fan na magkaroon sila ng ceasefire. “Protect @kristinaconcepcion at all cost. She doesn’t deserve all this drama and noise. Please talk in private not in public @reallysharoncuneta @concepciongabby. It might getting worst ‘cause all people taking sides. Do not post anything until you talk in person. May you find peace, love and happiness which ever path you choose.”

Ang nakikita naming isang problema ng ShaGab fans, marami sa kanila ang gustong magkabalikan ang mga ito na malabong mangyari. Parehong pamilyado ang kanilang mga idolo at sana hayaan na lang nila sa kani-kanilang pamilya ang dalawa.

‘Wag na nilang gustuhin ang imposible at nagkakagulo lang.

ESTHER LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->