^

PSN Showbiz

Claudine, hinahabol ng P116 million si Raymart?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Claudine, hinahabol ng P116 million si Raymart?!
Claudine at Raymart

MANILA, Philippines — Aww hundreds of millions diumano ang hinahabol ni Claudine Barretto sa ex husband niyang si Raymart Santiago.

Ito ang inamin ng actress sa vlog ni Luis Manzano.

Aniya, ‘yung P116 millon ay sa isang bangko lang diumano nakuha. “We’re talking about hundreds of millions. Ang iniwan sa akin was P25,000.”

Paliwanag nito kay Luis: “Sa isang bangko pa lang ‘yun and I don’t know kung bakit kahit na and/or ‘yan (ang kanilang account) or whatever, dapat kahit paano, sinasabihan ka ng bangko, ‘di ba?

“Ang binalik lang niya sa akin nu’n during that time was P7 million. We were still together. Kasi nga kukunin pa niya sa kung sino ‘yung mga pinagtaguan niya nu’ng perang ‘yun.”

Pero ayaw naman niya raw tawaging magnanakaw ang dating mister at ama ng kanyang mga anak.

Babawiin na raw niya para sa mga anak.

“Lumalaki ‘yung mga anak ko, tapos kukunin mo ‘yung bahay? Kukunin ko na kung ano ‘yung dapat sa akin. Maglabasan na tayo, sige na,” animo’y paghahamon pa ni Claudine.

“At kung noon parang week ako, ngayong lion na ako.

“Sabina wants to study abroad, Santino’s in Brent and alam naman natin kung gaano kamahal ‘yun. So, parang since hindi niya nabibigay ‘yung support na inorder ng court, hindi nasusunod, parang ‘yun ‘yung sinasabi ng mama na ‘ipaglaban mo,” sabi pa ng aktres.

Ang mga nasabing ari-arian daw ay pinaghirapan niya kaya para ‘yun sa mga anak niya.

“Blood, sweat and tears ‘yun, eh. Literal. Para sa mga anak ko ‘yun.”

Nauna nang nabanggit ni Claudine na delay nang delay ang annulment nila.

“Ongoing ‘yung annulment namin, pero delay nang delay...’yung deadline ni Raymart.  You took away what’s for my kids.

“So, for support and he’s trying to get custody...16 years old na si Santino, 19 na si Sabina. And hindi ko alam kung bakit gusto niya ng custody,” banggit ni Claudine nung nakausap namin last November para sa kanyang comeback teleserye na Lovers / Liars sa GMA 7.

That time ay wala raw silang communication ng ex husband at sa hearing lang daw sila nagkikita. “Sa mediation lang kami nagkita, pero hindi naman kami nakakapag-usap.”

Though noon daw talaga ay nag-uusap naman sila… “Dati oo meron. Pero siguro sa bagong relationship din, hindi possible.”

Walang banggit ng pangalan, pero si Jodi Sta. Maria ang common knowledge na karelasyon ni Raymart. “Kasi hindi magandang influence sa kanya, compared sa isa dati,” maiksing sagot ni Clau na ayaw nang dagdagan ng iba pa.

Pero kinukulit siya ng mga kausap na writer? Si Jodi ba ‘yun? “Wala akong sinasabi,” katwiran nito.

“Nasa court kami, for custody na naman, kahit malaki na yung mga anak ko, 19 and 16. Parang ganun, ahhh ayaw ibigay ‘yung bahay sa akin na pinaghirapan ko pa mula sa Mula sa Puso, ‘yung mga ganung issues.

“Lalabas at lalabas din yun soon. Very soon. Gaya nang sinabi ko, may mangyayari at mangyayari talaga,” tuluy-tuloy na pahayag ng actress na ang payat ngayon, as in 80 lbs ang pinayat niya dahil sa intermittent diet.

Bukas ang pahinang ito sakaling may statement si Raymart.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with