Derrick, plano nang makipag-live in kay Elle

Derrick at Elle

MANILA, Philippines — Mag-iisang taon nang magkasintahan sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Aminado ang aktres na nakaramdam sila nang takot noon na ipaalam sa publiko na opisyal na ang kanilang relasyon ni Derrick. “Sa totoo lang po natatakot kami magsabi publicly. Because hindi ka pa 100% sigurado sa nararamdaman mo, hindi ka pa ready. Para sa akin, hindi ko pa kayang sabihin,” nakangiting pahayag ni Elle sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.

Dumating na lamang umano ang tamang panahon na naramdaman nina Elle at Derrick ang pag-usbong ng kanilang pag-iibigan. “It was actually spur of the moment and I made sure that ‘yung sa taong magye-yes ako, may background check ako Tito Boy. Saka may checklist ako, lahat check. Masunurin, mapagbigay, talagang pina-prioritize niya ako. Sometimes I feel so selfish already kasi parang ako na lang ang palagi niyang inuuna,” pagbabahagi ng aktres.

“Before kasi napa-publicize ‘yung relationship tapos nagpe-fail. So iisipin ng mga tao, ‘Ayan na naman si Derrick.’ Gano’n ‘yung dating. Pero ngayon darating talaga ‘yung time na sure ka na eh, with all the decision that you are making. Lahat ng mga financial, relationship, religion, craft, check lahat eh. Parang lahat do’n gusto ko towards improvement and because of her ‘yon. So sabi ko, ito na ‘tong tao na ‘to,” makahulugang paliwanag ni Derrick.

May bulung-bulungan na nagsasama na raw sa iisang bubong ang magkasintahan. Matapang namang sinagot nina Elle at Derrick ang akukasyong ito.  “Nagsi-sleep po kami sa kanya-kanyang houses. Nag-sleepover po ako sa kanya. Nag-sleep over na din po siya sa akin pero we’re not living together,” pagtatapat ng dalaga.

“Pero I have plans to live with her in the future,” dagdag naman ni Derrick.

Cedrick, muntikan nang hindi gawin ang GomBurZa

Muntikan nang hindi magawa ni Cedrick Juan ang kanyang karakter bilang si Padre Jose Burgos sa pelikulang Gomburza. Ayon sa aktor ay mabilis ang mga naging pangyayari bago siya tuluyang mag-shoot para sa naturang Metro Manila Film Festival 2023 entry. “Hindi nila ina­lok si Padre Jose Burgos. Unang nalaman ko ang Gomburza in October 2022 when they were calling for online auditions. No’ng nalaman ko ‘yon nalungkot ako kasi hindi ako makapag-audition dahil meron akong play, ‘yung Mula Sa Buwan ng November to December 2022. So hindi ko alam ‘yung timeframe ng Gomburza. So sabi ko sayang mami-miss ko ‘yung opportunity na makapag-audition. Then come end of December, ‘yung talent coordinator texted me to come and audition. But it was for a different role. The initial role was La Madrid. Ibang role talaga siya hanggang sa nalaman ko that they’ve been looking for an actor who will play Padre Burgos. Eventually sinabihan ako to read and audition na rin for Padre Burgos. Then no’ng nangyari ‘yon, nagkaroon na ng final casting. Hindi ko alam na ako lang pala ‘yung pinatawag sa final casting. Tapos after doing all the teasers, biglang tinanong na lang ako ni Pepe Diokno, ‘Cedrick would you like to play Padre Jose Burgos?’ Tapos ako, parang as in wow! I just prayed and manifested for the role. Tapos ngayon ino-offer nila sa akin. Sabi ko no-brainer siyempre yes. Sobrang overwhelming ‘yung pakiramdam,” kwento ni Cedrick.

Bukod sa Best Actor award ni Cedrick ay humakot din ng iba pang awards ang Gomburza sa ginanap na Metro Manila Film Festival 2023 Gabi Ng Parangal kamakailan.

Isang malaking karangalan para kay Cedrick na makapagbida sa isang makabuluhang pelikula. “Because of the script, I couldn’t help but be emotional because it’s really not about my career path nang nabasa ko siya, na kaya ko siya gusto kuhanin dahil sa career. No, parang secondary, tertiary na lang ‘yon. Gusto ko siya mainly because of the nationalism na nabuo sa script na ‘yon,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

Show comments