MANILA, Philippines — Lumabas sa mismong kaarawan ni Alden Richards nung January 2 ang interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa vlog nitong Toni Talks.
Ang ganda nang pag-uusap nila na naging kumportable at totoo si Alden sa mga sagot niya kay Toni.
Pinag-usapan nila ang phenomenal success ng loveteam nila ni Maine Mendoza, ang AlDub.
Ang sabi pa ni Alden, nagkaroon daw sila ng malalim na pag-uusap ni Maine bago ito nagpakasal kay Cong. Arjo Atayde.
Aniya; “Quite honestly, Maine and I had a conversation, like a heart to heart conversation. Recently lang, before she got married. And I told her everything. At the end of the day, it’s your differences that will determine whether it will make it or not, and your priorities in life.
“Going back to what Mr. Tuviera said, ‘hindi pasikatan, pahabaan. So, hindi paramihan ng trabaho kundi hanggang kailan ka nandiyan.”
Sinagot niya ang mga pinagdaanan nilang isyu noon at kung ano-ano pang mga ikinakalat na tsismis tungkol sa kanila ni Maine.
Pero ang talagang napagod na raw si Alden sa isyung patuloy na ikinakabit sa kanya ay ang “gender issue”. “Tingin nyo ganun? Fine! Tingin nyo bading, fine. Tingin ko nga minsan pag may ganung mga rumor, wala na bang iba?
“Yung judgment call sa gender ng mga kalalakihan sa industriya natin, ang dali. Just because of that fact. Pero ako po, parang…pupunta ba ako sa route na dahil gusto ko na naman mag-please?
“I have my life right now. I’m happy perfectly with what I have, what I’m able to do at the moment. I seize every opportunity, sayang? There’s time for that.
“To the people who know me, like really know me, my friends, and right now, most especially ‘yan si Julia, Julia Montes, direk Irene (Villamor), and si Coco (Martin). Nagulat ako, with just one project, we instantly clicked. To the point na they became part of my life, and I became part of their lives.
“Ang sarap lang sa pakiramdam na you get to meet authentic people pa rin pala. And those people, I tend to treasure.”
Surprisingly, naging close talaga kaagad sila ni Julia at kasama na si Coco, pati ang director nila sa Five Break-ups and A Romance na si direk Irene Villamor.
Ngayong kabi-birthday lang ni Alden, 32 years old na siya, marami na ang nagi-expect sa kanyang mag-aasawa na ito.
Nabanggit naman niya noon sa thanksgiving party niya sa press na kung sakaling meron na siyang babaeng pakakasalan, dito na raw siya magpo-focus at lie low na siya sa showbiz.
“When you say settle down. Parang ang gaan na word e, settle down. Pero ano yung kaakibat nung settling down? Parang ano mo na sila e. Sila na ‘yung buhay mo. Priorities,” pakli niya.
Pero sa ngayon ay naka-focus muna siya sa kanyang Myriad Corporation na kapu-put up lamang niya ito.
“So, right now, you know my company just started, September 2022, and I’m very much excited to the people who are very much interested to partner with us,” sabi pa ni Alden Richards.
Patuloy pa rin siya sa pagpu-promote sa MMFF entry nilang Family of Two ni Sharon Cuneta na talagang inalay daw niya ito sa namayapa niyang ina.
MMFF extended ng one week?!
Maganda ang resulta ng MMFF 2023 dahil nilagpasan na nito ang kinita
nung nakaraang taon.
Nag-post sila sa kanilang Facebook account ng “Limang Daang Milyong Pasasalamat sa mga tagasubaybay ng pelikulang Pilipino.”
Sinabi pa nilang tuluy-tuloy ang saya hanggang January 7, dahil maganda ang resulta sa takilya ng halos lahat na mga pelikulang kalahok.
Nung nakaraang taon ay umabot ng 500M ang MMFF, pero ngayon as of Monday pa ay mahigit 600M na raw ang kinita nito.
Kahit nanatiling topgrosser pa rin ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, tumataas naman ang mga nagwagi sa nakaraang Gabi ng Parangal na Firefly at Gomburza.
Kaya pinag-uusapan pa raw ngayon ng Execom ng MMFF kung puwede pa ba nilang i-extend ng isa pang linggo ang MMFF.