Bakasyunan ng mga Pinoy celeb, nilindol, may tsunami warnings

Ang lakas ng lindol ng Japan, magnitude 7.6, bagama’t hindi apektado ang Tokyo.

Sa Japan nagpuntahan ang ibang Pinoy celebrities before and after Christmas.

Andun sina Sen. Chiz and Heart Escudero kasama ang kambal ng senador, ang buong pamilya nina tita Annabelle Rama and Eddie Gutierrez, pati rin si Kylie Padilla.

“Around rainy kawaguchiko with my ukay ukay jacket,” ayon kay Kylie.

Nagbakasyon din sa Japan sina Dra. Vicki Belo and Hayden Kho with their daughter Scarlett Snow.

Ganundin sina Dominique Roque and Bea Alonzo; Ivana Alawi with sister Mona, Loisa Andalio and Ronnie Alonte, among others.

Marami na ang nasawi sa nasabing lindol.

Habang ang isang eroplano ng Japan Airlines ang nagliyab nung lumalanding sa Haneda Airport sa Tokyo.

May 367 pasahero, bumangga raw ito sa isang eroplano ng Japan Coast Guard.

Show comments