Arci, gustong makatambal si Coco

Arci Muñoz

Nakatambal na ni Arci Muñoz ang halos lahat ng kilalang leading men sa telebisyon at pelikula. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatambal ng aktres si Coco Martin sa isang proyekto. “Si Coco Martin hindi ko pa nakaka-partner. Parang lahat naka-partner ko na yata. Piolo (Pascual), Gerald (Anderson), JM (de Guzman), JC (Santos), lahat sila naging lalaki ko na. Derek (Ramsay), lahat na yata. Si Coco na lang, pagod na pagod na nga si Coco” natatawang pahayag ni Arci sa Star Magic Celebrity Conversations.

Magdadalawang dekada nang aktibo ang aktres sa show business. Hanggang ngayon ay hindi pa nararanasan ni Arci na makagawa ng isang pelikulang horror ang tema. “Lagi kasing ang role ko ay as myself, ewan ko. Wala pa nga akong horror eh. Gusto ko ng horror, gusto ko ng thriller. Kasi as a horror fan, sabi ko, bakit kaya walang kumukuha sa aking horror movie. Baka nakakatawa ‘yung fez (face) ko, baka hindi nakakatakot. Tapos gusto ko ‘yung Girl Interrupted,’yung mga Winona Ryder, Angelina Jolie na movies, para may challenge,” pagbabahagi ng dalaga.

Miles, natakot kay Alden

Isang malaking karangalan para kay Miles Ocampo na tanghalin bilang Best Supporting Actress sa ginanap na 49th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal kamakailan. Nasungkit ng dalaga ang naturang award para sa pelikulang Family Of Two na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards. “Six years old po ako nagsimula sa industriya, 27 na po ako next year, first time ko pong nakatanggap ng award. Ganito po pala feeling ng mga artista,” nakangiting mensahe ni Miles nang tanggapin ang tropeo.

Inamin ng dating child actress na nagdalawang-isip pa siyang tanggapin ang naturang MMFF entry. Matatandaang sumailalim sa operasyon si Miles dahil sa pagkakaroon ng thyroid problem. “Sobrang pinag-isipan ko po kung tatanggapin ko ‘tong project na ‘to. Alam ko po na katatapos ko lang pong maoperahan. Kaya baka sabihin mukha po akong nanay ni Alden. But thank you so much to my director sa tiwala n’yo po,” paglalahad ng dalaga.

Iniaalay ni Miles ang nasungkit na parangal sa kanyang mga mahal sa buhay. Malaki ang pasasalamat ng aktres sa lahat nang patuloy na sumusuporta sa nakalipas na dalawang dekada. “Sa pamilya ko po, pina-practice ko lang ‘to dati, may award na tayo. Sa lahat po na hanggang ngayon ay naniniwala sa kaya ko, salamat po. Lord, ang dami pong nangyari ngayong taon pero thank you po,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC

Show comments