Talagang sobra naman ang pinalaking issue doon sa Rob Gomez romantic escapades. Para bang God’s gift to women si Rob na kailangang pag-agawan at habulin ng mga babae.
Mabuti na lang at isang perfect gentleman si Sen. Win Gatchalian by standing close to his GF Bianca Manalo. Napaka-gentleman ng senador na ipinakita sa lahat na kahit ano pang sabihin sa kanyang GF hindi niya ito iiwan.
Sana naman ma-appreciate ni Bianca at umiwas na sa mga ganitong controversy. Sana hanggang sa pagdating ng hinihintay na wedding of the year kung sakali malayo sa intriga si Bianca Manalo.
Pinaka-good catch na sa lahat si Sen. Win Gatchalian kung ikukumpara sa isang Rob Gomez kaya sana maisip ito ng isang Bianca Manalo bago siya sumali sa mga ka-cheapang issue ni Rob Gomez.
Naku bagong taon na, dapat lang maayos na ang mga hindi kagandahang issue na lumalabas. Hindi bongga noh.
MMFF, naging matagumpay
Para sa akin pinakamahusay nang PR ng filmfest every year si Noel Ferrer.
Talagang nabibigyan niya ng panahon at naaayos niya ang pakikisama sa press kaya walang nagiging problema.
Sobra na lang mapaghanap ang mga complaining na tao kaya dapat hindi pinapansin.
Noel Ferrer is the most credible spokesperson ng filmfest kaya every year together with Papa Jesse Ejercito talagang laging sila ang namamahala ng publicity at pag-aayos ng lahat para maging matagumpay ang festival.
Congrats, Noel Ferrer, for a job well done.