Marian, nakipagkabugan ng gown kay Taylor Swift
Overwhelmed si Marian Rivera sa hindi mahulugang karayom na tao sa kanilang Rewind theater tour sa Pampanga. Kaya naman talagang naluha siya.
Siksik-liglig kasi talaga ang nasabing lugar ng tao base sa mga nagkalat na video.
Bongga talaga ‘tong Rewind ng mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera.
Kahit iniintrigang kopya ang kwento nito sa isang Hollywood film noong 2004 starring Jennifer Love Hewitt, hindi ito naapektuhan in terms of box office standing. Dumami pa nga ang mga sinehan.
May naglabas pa na pati poster daw ay kopya pero talagang maraming nagandahan sa kuwento nito na sakto sa panahon ngayon na na-realize ng karamihan nung nagkaroon ng pandemic na walang rewind ang oras.
At kahit na-zero rin ito sa Gabi ng Parangal, wala pa ring epekto.
Ito talaga ang literal na trophy o box office.
Sa Rewind, palong-palo sila sa box office, pero zero sa award / trophy.
Anyway, same dress pala with Taylor Swift ang suot ni Marian sa Gabi Ng Parangal noong Miyerkules ng gabi.
Black lang ‘yung kay Taylor, red dress ang kay Marian.
Samantala, almost 10 million views na kaagad ang prank ni Marian kay Ivana Alawi sa YouTube channel ng huli. Marami talagang naloka nung umiyak si Ivana dahil nagalit si Marian nung late ito at walang mukbang setup sa kanilang interview.
- Latest