Kamakailan lang ay umeksena ang Vivamax star na si Ava Mendez na kung saan ay ikinuwento niyang nagiging touchy na raw sa kanya si Jak Roberto nang malasing na ito.
Nagkita raw sila ni Jak sa birthday ng isang common friend nila at doon ay nagkainuman na.
Ikinuwento niya sa vlog na ‘yun na nagiging touchy na raw sa kanya ang Kapuso hunk actor nang malasing.
May mga nakapagkuha pa raw ng litrato na kasama pa ang ibang imbitadong guests ng kaibigan nila. Ang ipinalabas na litrato ay ‘yung silang dalawa na lang ang magkatabi at tinanggal na sa litrato ang ibang kasama at nabigyan ng malisya ‘yun.
Pero hindi naman naging big deal at naging malaking isyu, pero nagagamit si Jak sa YouTube channel nitong Ava. Ang title pa kasi sa vlog na ‘yun ay “Ava Mendez umamin na sa nangyari sa kanila ni Jak Roberto!”
Ewan ko kung makaapekto ito sa magandang relasyon nina Barbie Forteza at Jak dahil base sa mga ipinu-post nila, masaya naman sila nung Pasko, at abala ang aktor sa kanyang live selling. Si Barbie naman ay aligaga rin nu’n sa paglipat sa bago niyang bahay.
Nakatsikahan pa naming sandali si Barbie sa nakaraang celebrity premiere ng pelikulang Firefly at sinabi nga niyang ang target niya talaga ay makapag-Pasko na siya sa bago nilang bahay.
Napag-usapan din namin ang tungkol sa mga nag-break ngayong taon, pero wala naman daw siyang masabi dahil hindi rin naman daw sila close sa mga na-involve sa ganung isyu.
Hindi naman daw napi-pressure ang kanilang relasyon sa mga ganyang hiwalayan issue.
Hindi rin sila nagpapaapekto sa mga intriga, at ayaw naman nilang ikonek sila sa mga hiwalayan ng ibang showbiz couple.
“Ang mga ganyang mga bagay, Diyos ko! ‘Yung mga ganyang mga bagay naman, hindi para kami i-entertain pa kasi nga again, hindi naman kami involved. As for us, bising-busy kami… siya paghahanapbuhay, at ako ay maglipat. So, hindi na namin pinag-uusapan ‘yun.”
Ang mahalaga ay nandiyan pa rin ang tiwala at pagmamahalan nila sa isa’t-isa.
Samantala, sobrang excited na si Barbie sa pagsisimula ng bagong drama series na gagawin niya sa GMA 7, itong Pulang Araw na kung saan ay makakasama na niya finally si Alden Richards at nandiyan pa rin si David Licauco.
“Yes! I’m very excited to finally starting for Pulang Araw. Actually ngayon nagta-tap dance classes na ako.
“Nandun pa lang tayo sa nagka-class. Sabihan ko kayo ‘pag marunong na ako,” natatawang pahayag ni Barbie Forteza.
Good Girl... ni Kathryn, trending agad sa streaming
Expected nang magna-number one trending ang A Very Good Girl nina Kathryn Bernado at Dolly de Leon na nag-stream sa Netflix nung Dec. 27.
Kahapon ay nasa number one trending na nga ang naturang pelikula at naligwak na nga ang ibang local films. Pero nandun pa rin ang I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial ng Mavx Productions na maganda naman kasi ang pelikula.
Super promote sa A Very Good Girl ang KathNiel fans lalo ang supporters ni Kathryn.
Trending nga kahapon pa ang hashtag Kathryn
Papanoorin ko nga uli ito, dahil may comments na hindi raw bagay si Dolly de Leon sa role na ‘yun. Mas swak daw sana kung si Angel Aquino ang pinaganap. Pero tinanggap naman ng mga manonood, kaya okay na rin.
Inaasahang magiging busy ang 2024 ni Kathryn, at kaabang-abang kung ano ang puwede pa niyang gawin na hindi na si Daniel Padilla ang ka-partner.
Pero hindi pa rin natin masabi kung ano ang mangyayari sa susunod na taon.
Malay natin, baka magkabalikan sila ni Daniel ‘di ba?
Kung taon ng hiwalayan ang 2023, malay natin baka magiging taon ng pagbabalikan naman ang 2024.
‘Yun naman ang inaasahan ng KathNiel fans.