^

PSN Showbiz

Janella, nalosyang kay Markus

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janella, nalosyang kay Markus
Janella Salvador

MANILA, Philippines — Dalawampu’t dalawang taong gulang pa lamang sina Janella Salvador at Markus Paterson nang magkaroon ng anak. Ngayon ay mahigit tatlong taong gulang na ang supling nilang si Jude.

Ang edad nina Janella at Markus ang isa sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan noong isang taon. “We were at the right age naman pero considered siyempre young pa rin ang 22. ‘Coz those are your prime years when you’re still enjoying your life. Siguro it took a toll on our relationship when Jude came and he wasn’t prepared for it. He wasn’t fully prepared. Ako kasi, I always wanted to be a mom and I took it upon myself na once the baby arrives. I’m going to give everything I can. I’m going to raise him to the best of my abilities,” paglalahad ni Janella sa YouTube channel ni Karen Davila.

Halos hindi na raw makilala ng aktres ang sarili noong mga panahong may problema sila sa relasyon ni Markus. “Umabot sa point na naramdaman ko na parang nalosyang na ako. Kasi I was trying to save the relationship. I was trying to take care of a kid on top of all of that. Ang panget lang ng term pero ‘yon talaga na-feel ko. Kapag tumitingin ako sa mirror, ‘di ko na nakikilala ‘yung sarili ko,” makahulugang kwento ng aktres.

Ngayon ay nanatili namang magkabigan ang dating magkasintahan para sa kanilang anak.

Kung mayroong pagkakataon ay hinihiram ni Markus si Jude kay Janella upang makapag-bonding.

Teejay, ibang-iba ang gagawin sa Kapuso serye

Napapanood pa rin sa mga sinehan ang Broken Hearts Trip kung saan isa sa mga bida si Teejay Marquez. Masayang-masaya ang aktor dahil nagkaroon ng pagkakataong makapasyal sa iba’t ibang lugar sa bansa habang ginagawa ang naturang Metro Manila Film Festival 2023 entry. “Napunta kami sa iba’t ibang lugar not just para mag-travel but also to showcase the beauty of the Philippines. Pinaka-na-enjoy ko ‘yung Kawasan Falls sa Cebu. Sobrang na-amaze ako, sobrang majestic ang lugar. Hindi ko ini-expect na gano’n kaganda ‘yung Cebu. Kasi kapag sa Cebu ako napupunta lang ako sa city eh. Hindi ko napupuntahan ‘yung mga hidden places do’n na wow, ang ganda talaga. Pati sa Pagugpud pumunta kami, first time ko rin. Nabagyo kami, unforgettable, sobrang saya. Workcation talaga siya,” nakangiting pahayag ni Teejay.

Hindi naging mahirap ang trabaho para sa aktor dahil mga kaibigan din ang nakasama sa pelikula. Nakatrabaho ni Teejay sina Christian Bables, Petite, Iyah Mina, Marvin Yap, Andoy Ranay at Jaclyn Jose sa bagong proyekto. “Role ko rito isang celebrity so mabilis lang ‘yung pag-adjust no’ng sinabing celebrity role ko. Buti na lang din ‘yung mga nakatrabaho ko kaibigan ko rin. So, everything naman naging maayos at saka naging madali rin para sa akin mag-adjust at saka umarte,” giit ng binata.

Sa susunod na taon ay mapapanood naman si Teejay sa isang bagong teleserye. Ayon kay Teejay ay ibang-iba ang kanyang karakter sa bagong proyekto mula sa GMA Network. “’Yung mga kasama ko rito magagaling. Talagang nakaka-inspire magtrabaho. January start na ng show na Makiling kasama ko sina Derrick Monasterio, Elle Villanueva, Kristofer Martin, Royce Cabrera. Isa akong kontrabida kaya abangan n’yo ‘yan sa Jan. 8,” pagbabahagi ng aktor. (Reports from JCC)

JANELLA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with