Lj at Paolo, patas na ang kaligayahan

LJ Reyes at Paolo Contis

Nakakatuwa namang tingnan ang family picture nina LJ Reyes at mister nitong si Philip Evengelista na pinost sa social media.

Binahagi ni LJ ang mga litrato nila noong Christmas celebration nila kasama ang mga anak na sina Aki at Summer. Kasama rin nila ang isang binata na tila anak ng mister.

Wala na raw mahihiling pa ang ex ni Paolo Contis, caption nito sa kanyang post kasama ang kanilang photos, “I can’t ask for more in this lifetime. Merry Christmas everyone!”

Lutang ang saya nila na magkakasama lalo na ang mga bata kasama ang daddy Philip nila.

Bongga at least ganun talaga ang buhay, may nakatakda para sa ‘yo.

Si Paolo ay tiyak na may nakatakda rin kaya hindi talaga sila natuloy noon ni LJ.

‘Para bongga ang 2024...’

How can life be so unfair. Ayaw ko na nga kung minsan manood ng mga local balita lalo na ‘pag ipinapakita ang mga homeless people at mga bata na namamalimos.

Para bang nagi-guilty ka na bakit may mga tao na parang pinagkaitan ng kapalaran samantalang ikaw ay punung-puno ng blessings.

Kulang kaya sila sa dasal? Likas na tamad? O talaga lang malas sa buhay.

Sayang ang mga pagkakataon na pinalalagpas mo sa buhay mo kundi ka kikilos para mabago ang kapalaran mo.

Basta focus ka imposibleng hindi mabago ang kapalaran mo. Basta masipag ka, hindi puwedeng maging stagnant ang kalagayan mo.

Basta may mabuti kang loob hindi puwedeng hindi ka umasenso. Kaya awang-awa ako sa mga batang kalye na hindi magawan ng paraan ng mga magulang nila na mabago ang kapalaran.

Sana naman kahit konti lang mabago naman ang kinabukasan nila. Huwag nating hayaan kung ano ang naging buhay natin, iyon ang maranasan ng ating mga anak. Maging maganda naman sana ang kinabukasan nila. Dagdagan pa natin ang dasal. Para bongga ang 2024.

Show comments