'Support?': Maria Ozawa trending kasama Pinoy boxer bago laban vs kapwa Hapon

Litrato nina Maria Ozawa at Marlon Tapales
Mula sa Instagram story ni Maria Ozawa

MANILA, Philippines — Usap-usapan ang WBA at IBF super bantamweight champion na si Marlon Tapales matapos interbyuhin at ipaskil ng Japanese model at ex-adult film star na si Maria Ozawa, ito bago ang laban ng nauna sa Hapong si Naoya Inoue.

Lunes nang lumabas sa Instagram stories ni Maria si Tapales, na siyang hahamon para sa WBO at WBC titles ng Japanese boxer na si Inoue ngayong Martes. Tingin tuloy nang ilang Pinoy, mukhang suportado ni Maria ang pambato ng Pilipinas.

Nag-posing pa ang dalawa habang nakakuyom ang mga kamao. Nag-post din ang ex-porn star ng ilang eksena para sa kanyang panayam kay Tapales habang tumatawa.

 

 

 

"Ito ang laban bukas. Sino sa tingin niyo ang mananalo?" sabi ni Maria sa Nihongo sa caption ng weigh-in nina Tapales at Inoue.

"Excited na ba kayo sa laban ngayong gabi?" wika naman niya sa hiwalay na post ngayong araw kalakip ng litrato ng kanyang ticket.

Una nang nakipagtulungan si eight-division boxing legend Manny Paquiao sa Cignal TV at ArenaPlus para maipalabas ang labanan nina Inoue sa free television.

Kung palarin si Tapales, siya ang tatanghalin biulang unang Pilipino at ika-10 boksingero sa kasaysayan na makahawak ng apat na lineal belts nang sabay-sabay.

"Regalo ko ito sa bawat Pilipino, para ma panuod ng buong Pilipinas na makamit ni Marlon ang kaunaunahang Undisputed World Championship sa history ng boksing sa Pilipinas," wika ni Pacquiao.

Show comments