Kiko Pangilinan nag-trending dahil sa ‘pugot’ na ulo!
Umagaw ng eksena kahapon si former Senator Francis Pangilinan.
Ito ay dahil sa ipinost na photo ni Sharon Cuneta na pugot ang ulo ng mister.
Isang throwback photo ang gamit ni ate Shawie sa nasabing post : “Merry Christmas from me and my four angels (my gremlins)!!! Love you all!,” caption ng actress na bida sa MMFF entry ng Family of Two.
Talagang kahit Pasko, naging aktibo ang mga Maritess, kanya-kanyang opinion. The photo says it all na raw.
Kulang na lang din daw ay umamin si Ate Shawie na hiwalay na sila ng dating pulitiko. Ala-KathNiel and KimXi?
Kasi kung wala raw problema sana ay gumamit na lang siya ng ibang photo.
At maaari rin daw siyang pumili ng photo nila ng kanyang mga anak dahil tiyak, marami naman daw siyang mapagpipilian.
Tanong nila “Para sa mga click/view mileage para sa promo ng pelikula? Unclassy din,” sabi pa ng isang X user.
Kaya tuloy talagang abala kahapon ang mga suki sa social media na nag-aabang ng pwedeng pag-usapan.
Pero sa ibang post naman ay hindi pugot ang ulo ni Papa Kiko, buong-buo.
Baka nga sa cellphone lang. Minsan ganun. So bigyan natin ng benefit of the doubt si Ate Shawie.
Saka sa post naman ng dating pulitiko na pagbati ng Merry Christmas sa kanyang followers, parang wala namang problema.
Dahil dyan super trending si Papa Kiko.
Hindi na bago ang intrigang hindi na nagsasama sa iisang kwarto ang mag-asawa.
- Latest