Kim, moving forward na!

Inaabangan na kung sino ang susunod na magkukumpirma ng kanilang breakup pagkatapos nina Xian Lim at Kim Chiu.
Sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na ba? Mainit na pinag-uusapan ang diumano’y hiwalayan ng mag-asawa.
Lalo na at nag-post na naman ang nanay ni Sarah ng “We Love you so much Anak. No one can hurt you! I (am) ready to stand for you. being a human being i respect everyone’s rights.”
Si Richard naman ay nag-post na kasama sina Tita Annabelle Rama and Tito Eddie Gutierrez at mga anak na si Zion and Kai. “Proof of life?,” aniya sa caption.
Anyway, parang ang ganda ng breakup nina Kim at Xian, pareho silang nagpasalamat sa isa’t isa. Mukhang walang bitterness.
Though ganundin naman sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Pero ang isang sure ng source, walang posibilidad na mabuo ulit ang KimXi tulad ng KathNiel, dahil moving forward na rin daw si Kim.
- Latest