Ate Vi, lumarga agad nang bumuti ang pakiramdam!
Lumarga agad sa promotions si Vilma Santos-Recto ng festival movie nila ni Christopher de Leon nang gumaan ang pakiramdam niya.
Bago sumagot ng text namin, humataw pa sila ng promo sa Southmall sa Alabang. Bahagi ng promo nila eh ang ticket selling sa mall cinemas.
“Enjoy naman ticket sale experience. ‘Yun daw uso promotion, more of theater and mall tour. We are praying for the best. God bless us! Hehehe. Sana magkita tayo uli!!! Merry Xmas.
“May theater tour kami sa 25, 26 tapos, mmff awards na!
“After these…back to family coz my whole family in the States are coming for the holidays! Excited!!!” pahayag sa text sa amin ni Ate Vi.
Of course, isang huwarang artista si Ate Vi na sa edad niya eh napakasipag pa ring tumulong sa promotions ng movie lalo na’t iba’t iba na ang paraan ng promotions ng isang malaking project!
Merry, merry Christmas, Ate Vi!
- Latest