Most-viewed program sa Netflix Philippines ang historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra base sa Netflix’ engagement report mula January hanggang June 2023.
Umangat din ang nasabing programa sa global rankings sa parehong panahon na nakakuha ng 22,100,000 total viewing hours kahit hindi pa ito naipapalabas globally.
Sa pinagsama-samang history, romance, at fantasy, pinatunayan ng Maria Clara at Ibarra ang pagiging bukod tangi nito bilang educational entertainment show na pinagbibidahan nina Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Ibarra, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, ang tinaguriang Pambansang Ginoo na si David Licauco bilang Fidel, at ang Kapuso Primetime Princess at 2016 Fantasporto International Best Actress na si Barbie Forteza bilang Klay.