Saab Magalona, na-ICU nang magbakasyon sa Bora

Saab Magalona

Na-diagnose pala ang anak nina Pia at Master Rapper Francis Magalona na si Saab Magalona ng isang rare congenital condition at kasalukuyang nasa ospital sa Aklan.

Pero matagal na raw pala ito at na-trigger lamang nang magbakas­yon sila.

Nang pumunta raw ang pamilya nila sa Boracay, nakaramdam daw siya ng palpitations at naging kasing puti ng multo.

Kuwento niya, “We chalked it up to bad acid and a panic attack. After checking my BP and temp (both normal), we flew. I got dizzy when we got off the plane, again when we got off the boat, and I had to use a wheelchair after using the stairs at the hotel. I took a long nap and when I woke up, I used the toilet, vomited, and passed out.”

Nagising na lang daw siyang humihingi ng tulong ang mister na si Jim Bacarro nang mag-black out siya. Puno raw ng suka ang damit niya habang karga siya nito.

Kaagad daw naasikaso ng kanyang father-in-law ang pagsugod sa kanya sa ospital gamit ang ambulansya papuntang Kalibo na isa’t kalahating oras ang layo sa main island.

Nilantad niyang nasa Intensive Care Unit (ICU) siya nitong nakalipas na mga araw para salinan ng dugo.

Naghihintay na lang daw siya ng clearance upang makabalik na sa Manila para siya ay mao­perahan na habang ang kanyang mga anak naman ay mauuna na sa Manila. “What happened is that something (I suspect stress) triggered a rare congenital condition I have called Meckel’s Diverticulum. It causes internal bleeding. My hemoglobin is back to normal, vital signs have been stable for days, just waiting for clearance so we can get back to Manila and undergo surgery,” dagdag niya.

Isa pala itong condition na ‘pag ipinanganak ang isang tao na may diverticulum o merong maliit na nakaumbok na pouches na maaaring mag-form sa lining ng digestive system.

Pero hindi naman daw ito nagca-cause ng kahit anong significant symptoms.

Kaya naman paalala niya sa lahat ay mag-ingat at pakinggan ang kanilang katawan.

Show comments