‘Landian’ at ‘laswaan’ nina Herlene at Rob nag-trending, Bianca dinadawit!

Herlene Budol at Rob Gomez

MANILA, Philippines — Wow, nakikipag-agawan sa eksena ng Christmas rush sina Herlene Budol and Rob Gomez.

Nag-trending ang actor kahapon matapos mag-viral ang ini-upload na convo sa kanyang account na naka-tag si Herlene.

Kaya ang bilang ng netizens, after less than a month, tapos na ang pagrereyna ni Andrea Brillantes dahil napalitan na siya ni Herlene.

At si Rob na raw ang successor ni Daniel Padilla for the month of December na tinatawag ngang cheater ng iba.

Deleted na ang nasabing screen grab convo nina Rob and Herlene na ang suspetsa ng lahat ay ini-upload ng partner ni Rob.

Si Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebortera ang ina ng anak ng actor.

Imposible naman daw na-hack ang account ni Rob.

Kadiri ang usapan, laswaan, landian. As in bawal sa mga bata. May kainan pa. May naka-upload pa dung pregnancy test, pero isang guhit lang.

“H: kung ano yung possible na maging resulta anjan kapadin sana

: sana kung anong maging resulta anjan kapadin

: kinakabahan nanaman ako,” bahagi ng supposedly ay usapan nina Rob and Herlene.

Pero bukod kay Herlene, dawit din sa kumalat na screenshot si Bianca Manalo. Nagbida silang tatlo sa teleseryeng Magandang Dilag.

“You didn’t reply on Telegram. Meron ka na naman na pick-up na ibang girl noh,” ang unang supposedly ay message ni Bianca na common knowledge na karelasyon ni Sen. Sherwin Gatchalian.

“Kaya mo pumunta that early? 7 am? Brought my dogs here sa Makati. Let me know para I can go back to BGC early to see you before I leave at 10 am. He’s not here. He’s in Valenzuela,” ang bahagi ng supposedly ay kanilang palitan ng messages sa Telegram at DM sa Instagram.

Consistent ang denial ni Rob tungkol sa kanila ni Herlene.

May anak na sina Shaila at Rob at nagsimula ang gulo nila nung nag-guest si Rob sa Fast Talk with Boy Abunda at sinabing single pa siya pero happy ang kanyang lovelife.

Hindi umano ito nagustuhan ni Shaila, kaya last Aug. 4, umamin siya sa kanyang Facebook account na may anak na sila ni Rob – ang eight-month-old daughter nilang si Amelia.

Todo-todo ang pagde-deny ni Rob sa kanilang relasyon ni Herlene.

Wala raw talaga silang relasyon.

Bakit hindi mo inamin during the interview?

“’Yun nga ho, eh. That was definitely one of my biggest biggest regrets. Presscon ng Magandang Dilag pa lang may nakita na siya na interview ko po na I said I was single. I always said I was single para less questions asked. I guess I was trying to play the showbiz game. I’m new to it. I was trying to build, I guess. I was trying to take care of it.  My mistake was my daughter was not the problem, I was. I’m scared I would lose what I worked hard for,” banggit niya sa huling interview namin.

Mabilis naman ang sagot ni Herlene sa X (dating Twitter).

“Showbiz nga talaga! Pag dedicated ka sa trabaho gagawan ka ng issue!

“Dati asa #wowowin gumawa ng issue na buntis daw ako.

“Ngayon naman sa #MagandangDilag may issue uli na buntis ako uli?

“Ano susunod? Sa #BlackRider mabubuntis ako uli?”

Ahh oki.

Show comments