Snow World Manila, mas pinasaya ang Pasko

Snow World Manila

MANILA, Philippines — Ilang tulog na lang at Pasko na.

At ang isang magandang pasyalan sa ganitong panahon, ang Snow World Manila, na bukas araw-araw mula alas-dos ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi.

At dito mo talagang mararamdaman ang simoy ng Pasko at may bonus na pagbagsak ng tunay na snow.

Makikita rin dito ang snowmen, ang reindeer ni Santa Claus na maghahatid ng regalo sa lahat ng bata sa buong mundo. At siyempre si Santa Claus sa kanyang bahay sa North Pole na parang inilipat sa loob ng Snow World para hindi mahuli ang kanyang regalo ang mga batang Pilipino.

Bukod diyan maaari ninyong matikman ang isang masaganang Noche Buena dahil sa Snow World mismo ay niluluto nila ang Singaporean chicken at sticky rice with mangoes na napakasarap.

Kung kayo naman ay giginawin maaari kayong uminom ng mainit na kape at tsokolate sa coffee shop na nasa loob mismo nito.

Naroroon pa rin ang pinakamahabang man-made ice slide. Dahil ang ice slides ay nagdudulot talaga ng kakaibang saya at karaniwang nasa tabing bundok ng mga malalamig na bansa.

Gumawa rin sila ng ice slide kung saan kayo maaaring magpadulas gamit ang tunay na yelo kaya ‘di ka na kailangang mag-abroad.

Gumamit din sila ng isang video floor kung saan mararanasan ninyo ang paglakad sa tabing dagat o pamamasyal habang ang nilalakaran ninyo ay mga snow flakes na patuloy na bumabagksak mula sa langit.

Lahat iyan sa halagang P250 lang sa Star City.

Show comments