MANILA, Philippines — “He was a good person and a good friend of mine,” sabi ni tito Tommy Abuel na shocked sa nangyari sa halos kapanabayan niyang batikang aktor na si Ronaldo Valdez.
“We worked together several times in the past both on TV and in films. To my mind he was one of the best actors the entertainment industry has produced kahit sa drama o sa comedy. I remember tahimik lang s’ya on the set but can also be very funny with a dry sense of humor. We will surely miss him and his talent. May his soul rest in peace,” buong mensahe ni tito Tommy na confused din sa mga naglalabasang balita tungkol sa pagkamatay ng kanyang kaibigan na ang latest development ay tatlong pulis ng Quezon City Police District (QCPD) ang tinanggal sa kanilang mga puwesto dahil sa diumano’y pagkakasangkot nila sa kumalat na graphic video sa pagpanaw ng mahusay na aktor.
Makikita nga sa viral video ang bangkay ng aktor.
Ang ilang nakapag-download ng video pero hiniling na ng QCPD sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group na tanggalin na ang nasabing video sa lahat ng social media platform.