MANILA, Philippines — Aminado naman si Sharon Cuneta sa kanyang mga pagkukulang sa panganay niyang si KC Concepcion sa aktor na si Gabby Concepcion.
Natanong siya ni Boy Abunda sa programang Fast Talk with Boy Abunda kung saan sila nagkulang at sumobra bilang nanay.
Sagot niya, “Kay KC, Kakie, kay Miel, kay Miguel, hindi ako nagkulang sa pagmamahal, sa paalala. Kay KC, nagkulang ako malamang sa oras.”
Paliwanag niya ay kailangan niyang maging nanay at tatay sa anak ng mga panahong iyon bilang single mom. Kinailangan niyang magtrabaho para sa pag-aaral ng mga anak at hindi umasa sa kanyang mga magulang.
Sinuway pa niya ang ama dahil gusto niya talagang matuto bilang nanay. “I told my dad, because he said, ‘Kapag ‘di ka umuwi, wala kang ama.’ And I said, ‘Daddy, if I don’t do this now, I will never learn. Ano po ang ituturo ko sa apo n’yo?’” sey niya.
Kaya naman natutunan ni KC sa kanya na hindi dumepende sa iba para mabuhay.
Naging protective raw siya talaga sa panganay noon kumpara sa mga anak nila ni Kiko Pangilinan. “But I was also over protective to KC. Remember, halos hindi ko ipakita in public no’ng medyo nag-13 na, 14, ‘yung maraming offers na.
“I was so scared kasi anak namin siya ni Gabby. Iba ‘yung anak namin ni Kiko,” paliwanag pa niya.
MMFF, inaasahang kikita
Palagay ko lalabas naman ang tao para manood ng filmfest this year.
Magaganda ang mga kasaling pelikula at meron pa rin namang festive mood ang mga tao. Medyo nga lang naiba ang taste ng mga kabataan pero iba pa rin naman ang charm ng local films.
Saka exciting pa rin naman ang local stars.
Medyo mahal nga lang ngayon ang bayad ng sinehan pero dahil Pasko naman at maraming pera ang tao baka magustuhan pa rin naman na gastahan ang panonood ng sine.
Sana lahat ng entries kumita para sumigla uli ang showbiz.
Bongga.