Starkada pinanganak… Eric, biglang naging ama ng 32!

Eric Quizon

MANILA, Philippines — Isang amang gustong maging successful ang mga anak ang role ngayon ni Direk Eric Quizon bilang head ng talent arm ng Net 25, Star Center, na naglunsad ng first batch ng pasisikatin na miyembro ng tinawag nilang Starkada na may 32 members.

Ginastusan ng Net 25 ang workshop and training ng nasabing 32 members.

As in months ang itinagal ng training nila kaya talagang sa press launching nito ay mataas ang self confidence nila.

Pero ayon kay Direk Eric, hindi exclusive ang mga ito sa Net 25. Kung may offer daw sa kanila ang ibang network or movie companies, tatanggapin nila.

“Of course. Kung may chance na makatrabaho sila sa ibang network at makasama sa malalaking artista, hindi namin sila pipigilan. I will let them enjoy the moment. Ang sa akin, for them to become stars, they must be with stars,” diin ni Direk Eric sa nasabing media conference.

Pero tulad sa karaniwang manager, pag-aaralan niya raw ang mga role na tatanggapin ng mga miyembro ng Starkada.

Depende aniya sa role na tatanggapin nila.

“Halimbawa, ba’t namin sila pipigilan kung ang makakasama nila si Coco Martin, Dingdong Dantes o Marian (Rivera). Why will I not be happy to allow them na magkaroon ng chance o opportunity ang wards namin na makatrabaho ang malalaking directors sa industry? So, puwede silang hiramin,” paliwanag pa ni Eric.

Pero kahit parang iba na ang career ni Eric sa kasalukuyan, ‘di naman daw niya kakalimutan ang pagiging actor.

Tho apektado raw, pero katuwiran niya, “I think, once an actor, always an actor.”

Ang 32 members ng StarKada ay binubuo nina Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Migs Pura, Marco Ramos, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Albert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shanicka Arganda, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro at Zach Francisco.

Show comments