^

PSN Showbiz

Ronaldo Valdez may Alzheimer’s at depresyon, Janno may pakiusap; showbiz nagluluksa!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Ronaldo Valdez may Alzheimer’s at depresyon, Janno may pakiusap; showbiz nagluluksa!
Janno at Ronaldo

MANILA, Philippines — Apektado ang buong showbiz noong Linggo ng gabi matapos kumalat ang balitang may veteran actor na diumano’y tinapos ang buhay.

Si Ronaldo Valdez ang tinutukoy.

Mabilis nakumpirma ang kanyang pagpanaw.

Pero walang sinabi ang kanyang pamilya sa totoong dahilan ng pagkamatay ng batikang aktor.

Hanggang naglabas ng report ang QCPD na nadiskubre ang pagkamatay ni James Ronald Dulaca Gibbs ng 3:20 p.m., December 17, 2023.

Siya ay 76 years old, married at native ng Manila.

Ayon pa sa nasabing report, dumaranas diumano ito ng depression matapos ang prostate cancer operation last December 2022 sa Cardinal Santos Hospital.

Isinugod diumano ang award winning veteran actor sa St. Lukes hospital matapos madiskubre ang pangyayari pero pronounced dead ng attending physician nito, ganap na 4:16 p.m.

Pagkatapos nito ay kinumpirma ni Janno Gibbs ang pagkamatay ng ama.

Pero humihiling sila ng privacy sa kanilang pagluluksa.

Wala rin siyang nabanggit sa dahilan ng pagkamatay ni ama. Hindi kinumpirma ang report ng mga pulis.

“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing. The family would like to request that you request our privacy in this grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated,” ang buong post ni Janno.

May naiwang pelikula ang batikang aktor na dinirek ni Janno.

“Our film arrives in cinemas this January #bts #fatherandson,” post ni Janno last month.

Diumano’y nagkaroon na rin ng Alzheimer’s si Lolo Sir, ang kanyang sumikat na character sa 2 Good 2 Be True na pinagbidahan nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

“He had been sufferring from Alzheimer’s, I was told by a friend of the family a while back,” ayon sa isang source.

Hanggang sa sinusulat namin ito ay wala pa ring klarong dahilan ng kanyang pagkamatay.

Pero hiwalay na raw sa misis ang actor, for 50 years. This year daw sila naghiwalay at kanya-kanya na ang mag-asawa.

Inaalala naman ni Kathryn ang masasayang oras nila sa 2 Good 2 Be True.

Ang dami niyang ini-upload na photos and videos.

Dati nang nabanggit ni Kathryn sa isang post noon na, “You are the Lolo I never had.”

RONALDO VALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with