Tumaya kahapon sa Lotto si Direk Joel Lamangan.
Five hundred million na ang mapapanalunan sa Lotto as of yesterday. Habang sinusulat namin ito ay wala pang resulta ang bola ng 9:00 p.m.
Pero tumataya lang daw ang award-winning director / actor ‘pag malaki ang premyo.
“Pag nakita kong halimbawa, 350 million, tumataya ako,” sabi ni Direk Joel sa isang instant chikahan kahapon bago manood ng premiere ng Family of Two.
Magkano ang tinaya mo Direk? “100 pesos lang,” aniya.
Why not nga naman. Baka makasuwerte siya.
Anong gagawin niya sakaling manalo ka?
“Maloloka ako. Hahaha. Magdidirek ako ng sariling pelikula.”
Nagkita kami kahapon bago manood ng pelikulang Family of Two. Personal siyang tinawagan ni Sharon Cuneta para panoorin ang pelikula nila ni Alden Richards.
Anyway, susunod niyang papanoorin ang GomBurZa, Becky and Badette, When I Met You In Tokyo and Firefly sa 10 official entries ng MMFF.
Exciting talaga ang Metro Manila Film Festival this year dahil kanya-kanyang bet ang mga manonood.
Sayang kasi talaga na nawalan ng function ng Cinema Evaluation Board (CEB) na nagbibigay ng rating sa mga pelikula. Sila ang nagsisilbing guide kumbaga sa moviegoers dahil sa mga binibigay nilang rating.
Anyway, sa young generation ng mga artista, gustong makatrabaho ni Direk Joel sina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
Pero gusto ni Direk Joel na challenging ang role na gagawin ni Daniel, ‘yung may lalim.
Sabat ni Gorgy Rula, ‘yun tipong macho dancer siya o callboy.
“Oo dapat ganun, ‘yung may lalim talaga para mailabas niya ‘yung husay niya,” pag-agree ni Direk Joel.
Well, may point naman si Direk Joel.