^

PSN Showbiz

Michelle, ayaw na sa showbiz!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Michelle, ayaw na sa showbiz!
Michelle Madrigal

Ang bongga naman ng dating aktres na si Michelle Madrigal na ine-enjoy ang kanyang single life sa Texas.

Swak sa kanya ang definition ng pagiging unstoppable woman.

Sa rami ng pinagdaanang heartbreaks at setbacks ni Michelle, pinapakita niya pa rin ang kanyang lakas at pagiging independent bilang nanay sa kanyang daughter na si Annika matapos ang hindi matagumpay niyang marriage sa dating asawang si Troy Woolfolk at kamakailan ay dumaan din sa breakup sa boyfriend na si Kyle pagkatapos niyang ipakilala ito nakaraang taon.

Matapos niyang magselebreyt ng kanyang 35th birthday nakaraang buwan at binahagi ang kanyang kasalukuyang status sa buhay. Sinabi nitong unti-unti na niyang binubuksan ang puso at hindi na magpapaabuso sa kanyang kabaitan.

“I am proud of the woman I’m becoming. Slowly opening up again, but not letting anyone take advantage of my kindness and soft heart. You’re either in my corner or not,” bahagi ng kanyang post.

Pinusuan naman ito ng netizens at kanyang kaibigan na hinangaan siya sa pagiging inspirasyon.

Sa kanyang recent post ay may video siya na nagtu-tour sa high-rise condo at pinag-iisipan nito kung lilipat siya sa Dallas. 

Pero priority naman daw niya ang kanyang anak at pag-uusapan nila ito ng tatay nito.

Siguradong matutuwa ang kanyang mga tagahanga ‘pag natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya habambuhay na deserve naman niya sa rami ng kanyang pinagdaanan.

Mukhang wala nang balak bumalik sa showbiz si Michelle at nagta-thrive siya sa kanyang career bilang realtor doon.

vuukle comment

ACTRESS

MICHELLE MADRIGAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with