Sarah Lahbati at pamilya, naaksidente!

Sarah Lahbati
STAR/ File

Annabelle inaabangang sumagot sa ‘parinig’ na ‘saying less...’

Naaksidente si Sarah Lahbati at ang kanyang pamilya sa Skyway kahapon.

Dawit din sa aksidente ang dalawa pang kotse.

“We were involved in an accident on the skyway. Fortunately, all three cars involved avoided any casualties, and we are all okay,” paniniguro niya.

Sabi pa niya : “Today, we were given a second chance. Just when you think everything you worry about should be the center of the world, you’re reminded of God’s lessons, promises, and the bigger picture. All you have to do is take a step back and let Him guide you,” kuwento ni Sarah sa kanyang broadcast channel.

Depensa pa nito, hindi siya nagpapaawa or  “for you to feel bad for us,” kundi aniya paalala ito sa kabutihan ng Diyos :

“I’m not sharing this for you to feel bad for us.

“I’m sharing this story because this year has been the toughest of my life, yet I am reminded of God’s goodness,

“His second chances, and His promises. Things could have been much worse, yet my family and I are alive and well.

“La vie est belle. Life goes on,” ang buong message niya.

Nanatiling tahimik si Sarah at maging si Richard Gutierrez sa sinasabing diumano’y hiwalayan nila.

Madalas niyang kasama sa mga event lately ang kanyang mga magulang at dalawang anak.

Sa isang post ni Sarah ay parang may parinig din siya na “Saying less is incredibly helphful. Not every though is valuable, not every feeling needs to be voiced.

“What is often best is to slow down and spend time developing a clearer and more informed perspective.

“Ego rushes and reacts, but peace moves pusposefully and gently.”

Tiyak na may sagot dito si Tita Annabelle Rama.

Nagpipigil si Tita Annabelle ayon mismo sa kanyang mga post.

Marami raw siyang alam pero binawalan siya ng kanyang abogado na magsalita.

Ang huling post niya pa ang tungkol sa pag-uusap nila ni Nay Cristy Fermin.

Matagal din silang hindi nag-uusap dahil sa magkaibang opinyon – 25 years aniya nung nag-umpisa ito. Pero three days ago ay naayos na ang lahat.

Bahagi ng post ni tita Annabelle : “Siguro mga 25years ago, nag katapat na kami nyan, dahil  naman sa pag tatanggol  ko kay Ruffa. Grabe away namin noon, nag ka demandahan pa kami hanggang sa supreme court. After that incident, iniwasan ko na sya dahil ayaw ko na sya makita.

“Last year, tine text ko sya ng ilang beses kasi ang mag asawa naman ni Manny at Jinky Pacquiao ang kanyang inaaway at di maganda ang mga sinasabi niya. Pinagtatanggol ko naman ang mag asawa. Di nya ako sinagot sa mga  text ko, kaya di ko na siya kinulit.

“This time lumambot ang puso ko sa kanya, dahil nanay rin siya at may mga anak rin at alam nya na tama ang ginagawa ko sa pag kampi ko sa anak ko, kaya nya ako naintindihan.

“I am sorry kung ano mang di magandang mga text na nasabi ko sa iyo. At tinawagan ko  sya at nag kausap kami at nag pasalamat ako. At sabi pa nga nya regards kay tito Eddie. Tamang tama na magkatabi kami ni Eddie sa upuan, at ipinasa ko kay Eddie ang telepono at nag usap sila. Nang mag ba-bye sya kay Eddie, sabi nya Tito Eddie, mag pa galing ka, inagaw ko ang telepono at sabi ko , malakas na malakas ang asawa ko. Baka nabasa mo sa facebook na nag kasakit siya dahil sa issue nina Richard at Sarah. That’s all fake news, he is very healthy, alive and kicking , he is enjoying the company of his grandchildren.

“Ang tinutukoy ko ay ang isang Cristy Fermin.

“Cristy, salamat sa maganda mong sinulat sa akin.”

Nauna nang nag-post si Tita Annabelle tungkol sa devil woman.

Wala siyang banggit pero tukoy kung para kanino  ito. “Devil Woman, makamandag, manipulative, BEST LIAR. Please watch Gone Girl sa netflix, makita nyo ang leading lady ni Ben Affleck.  I watched it 3 times. Hulaan nyo kung sino ang tinutukoy kung babae na DEVIL WOMAN.”

Show comments