Mga pelikulang kasali sa MMFF, todohan ang promo Vilma, bumigay ang katawan sa pagod
MANILA, Philippines — Damang-dama ang pagkakaisa ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival 2023.
Kahapon ay nagsama-sama ang ibang bida ng ten official entries sa inauguration ng auditorium sa building ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Naunang dumating si Dingdong Dantes na bida sa pelikulang Rewind with Marian Rivera at may special role rin sa isa pang entry na Firefly.
Sumunod si Piolo Pascual na pelikulang Mallari at may special participation din sa isa pang entry na GomBurZa.
Hanggang sunud-sunod na sina Derek Ramsay ng Kampon, Echong Dee ng GomBurZa, Eugene Domingo (Becky and Badette), Kylie Verzosa ng Penduko, Alessandra de Rossi ng Firefly, at nakahabol sina Alden Richards ng Family of Two, Christopher de Leon ng When I Met You in Tokyo at marami pang iba.
At iisa sa mission nila sa todohang pagpo-promote ng mga pelikula, ang lumabas ang mga manonood sa Pasko para kumita lahat ng mga producer na nag-invest hindi lang financially, kundi nagbuhos talaga ng oras.
Umaasa rin si Dingdong na sana kung magkakaroon ng pagkakataon ay magkaroon nga ng special discount para mas marami ang manood.
Umaabot sa P500 ang entrance fee sa sinehan at napatunayan naman kung mas mura, mas marami ang manonood.
Anyway, lahat talaga sila ay nag-iikot.
Ayon nga kay Piolo wala siyang bakasyon until the end of the year. Nagpupunta siya sa mga probinsya at may sariling float para nga maabot lahat ng manonood.
Si Dingdong ay ganundin, talagang minsan daw sa isang araw, apat ang event na pinupuntahan niya.
Dahil ganundin kasipag si Vilma Santos sa pagpo-promote ng When I Met You, nagkasakit si Ate Vi. Hindi siya naka-attend physically ng media conference ng kanilang pelikulang When I Met You kahapon. Sa Zoom lang siya naka-attend.
Umaasa siyang gagaling siya para maka-join sa Parade of Stars na gaganapin sa Sabado.
“I’m really praying hard na gumaling na ako at makasama ako sa Parada. Excited na ako sanang sumama ulit sa Parada,” banggit ni Ate Vi via Zoom kahapon.
Sa darating na Sabado gaganapin ang Parade of Stars na first time sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela.
Ipalalabas sa buong Pilipinas ang MMFF simula sa Pasko na isang tradisyon.
At ito unang pagkakataon na normal na ulit ang lahat pagkatapos ng pandemic.
- Latest