^

PSN Showbiz

Marian, handing makatrabaho si Heart!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Marian, handing makatrabaho si Heart!
Marian Rivera
STAR / File

MANILA, Philippines — Sumalang ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa programa ni Boy Abunda na Fast Talk with Boy Abunda para ma-promote ang kanilang pelikulang Rewind.

At natanong ang mga magulang nina Zia at Sixto tungkol sa second chances.

Naniniwala raw ang aktor sa second chance at sinabing ang bawat araw na paggising ay panibagong chance para maitama ang mga maling nagawa at sinabing madali rin siyang magpatawad.

Nang tanungin naman ang aktres ay hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay madali siyang magpatawad.

Sagot nito sa TV host, “Minsan hindi. May proseso. Depende sa level ng pain na ibinigay. Pero nagpapatawad naman. Siguro naghihintay lang ng tamang panahon at oras para maghilom ang mga ito.”

Maaalalang nagkaayos kamakailan sina Marian at ang Fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista kaya natanong ang misis ni Dingdong tungkol dito.

Ayaw nang idetalye ni Marian kung paano sila nagkabati at gusto na lamang niya na sa kanilang dalawa na lang iyon.

Ang sarap daw sa pakiramdam na nagkaayos sila at nakapag-usap. Ayaw na rin daw kasing mapangunahan sila sa dapat mangyari sa kanila.

Hindi rin maitago ni Marian ang saya sa pagkakaayos nila na siguradong nagkapaliwanagan na sila ng misis ni Sen. Chiz Escudero.

Nang matanong din siya kung bukas siyang makatrabaho ito ay “of course” ang sagot ng aktres na siguradong lalong kasasabikan ng mga tagahanga. Matagal na panahon din mula nang huli silang magkatrabaho.

Siguradong bongga iyan ‘pag nagkataon.

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with