^

PSN Showbiz

Kathryn Bernardo 'most followed' Filipino na sa Instagram

James Relativo - Philstar.com
Kathryn Bernardo 'most followed' Filipino na sa Instagram
Litrato ni Kathryn Bernardo
Mula sa Instagram ni Kathryn Bernardo

MANILA, Philippines — Dumanas man nang hiwalayan kamakailan, record-breaking namang tatapusin ni Kapamilya actress Kathryn Bernardo ang taong 2023 bilang "most followed Filipino" sa photo sharing social media site na Instagram.

Ito ang ibinahagi ng ABS-CBN sa isang ulat ngayong Huwebes matapos umani ng 20,141,685 followers sa IG habang isinusulat ang balitang ito, dahilan para maungusan niya si Anne Curtis na mayroong 20,137,426.

Naabot ni Kathryn ang panibagong milestone ilang linggo matapos kumpirmahin ang hiwalayan sa long-time boyfriend at kapwa artistang si Daniel Padilla — bagay na nakarelasyon niya nang 11 taon.

Una nang sinabi ni Kath na hindi na siya sasagot sa mga katanungan patungkol sa pakikipaghiwalay sa dating jowa, ngunit hinihinala nang ilan ang anggulong pagtataksil.

Ikinalungkot nang marami ang naturang balita, dahilan para magluksa ang marami sa Philippine showbiz industry.

Sa kabila nito, nagawa pa rin nang dalawang mag-perform nang magkasama kahapon bilang "KathNiel" sa "Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023" na nangyari sa Araneta Coliseum.

Matagal nang nangunguna sa Philippine IG si Anne, na siyang kagagaling lang sa kanyang LA tour.

vuukle comment

ANNE CURTIS

INSTAGRAM

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with