Napapanood na rin sa bansa ang top-rating horror series na Left On Read mula sa Hong Kong.
Unli horror ang dating dahil ang kumpletong 15 episodes ay uploaded na sa Viu Philippines.
Ang kuwento ay tungkol sa mga estudyanteng isinali ng Admin sa chat group na Read It or Die. Pipilitin ng Admin ang mga bata na lumahok sa isang laro at kung hindi susundin ang utos ay kamatayan ang parusa.
Magpa-panic ang mga estudyante dahil isa-isang namamatay ang kanilang mga kaklase.
Para masalba ang kanyang mga kaibigan, iyon pang pinakamahiyain ang maglalakas loob na matukoy ang katauhan ng Admin.
Ang pamagat ay mula sa expression na naglalarawan sa sitwasyon kung saan ang isang text message ay nabasa pero dinedma ng tumanggap. Nang maipalabas sa Hong Kong ang Left On Read, naging paborito ito ng horror lovers sa naturang bansa dahil sa magaling na cast at paglalahad sa kuwento.
Kabilang sa cast sina Marf Yau at Yoyo Kot ng Hong Kong girl group na Collar; ang co-stars nila ay young stars mula sa HK music survival variety show na Kingmaker.
Mag-binge rin sa ibang horror series na available sa Viu katulad ng Duty After School, Zombie Detective, The House On Autumn Hill, Happiness, Tell Me What You Saw at Shadow.
Maaaring i-download ang Viu app via Apple Store or Play Store or bisitahin ang www.viu.com para mapanood ang programa nang libre.