Matteo, pinaka-astig na Penduko, Kylie ayaw maging basta sexy lang

Isa sa nagwawagi sa takilya tuwing MMFF ay mga pelikulang pambata, kagaya nitong fantasy-action na Penduko ng Viva Films.
Astig ang dating ng pelikula na pinagbidahan ni Matteo Guidicelli at dinirek ni Jason Paul Laxamana.
Ibang look daw talaga ito sabi ni direk Jason Paul na gustung-gusto pala niyang gawin.
Sinabi pa ni direk Jason na nag-volunteer daw talaga siya kay Boss Vic del Rosario dahil gusto raw niya talagang gumawa ng fantasy film kagaya nitong Penduko.
At ibang-iba ito sa mga nakaraang Pedro Penduko.
“I think the role Penduko is very physical na character no?
“Kagaya ng sinabi ni direk Jason Paul Laxamana, countryside siya. He’s hardworker to begin with. Hardworker, very physical. He works for his father.
“So, kumbaga kailangan paghandaan din ‘yung pelikula.
“Kailangan matigas din tayo ‘di ba? Physically fit for the role. But specifically, hindi ‘yung bodybuilder.”
Agree kami sa sinabi ni kuya Mario Bautista na sa lahat na gumanap na Pedro Penduko, si Matteo ang pinaka-buff.
Ang lakas ng dating ng actor na lutang na lutang talaga ang kaseksihan nito.
Pero iba rin ang dating kay Kylie Verzosa na lumalabas naman talaga ang kaseksihan sa outfit niya bilang si Liway.
Marami naman daw siyang nagawang pelikulang hindi siya nagpa-sexy, at tinanggap naman daw ito ng mga manonood.
Base sa mga sagot niya, obvious na ayaw niyang ilinya siya sa sexy actress.
Marami pa siyang kayang ipakita at ibigay sa mga tao. Hindi ‘yung pagpapa-sexy lang niya.
“I would take it as a compliment, but at the same time I don’t want it to define me.
“HIndi ko gusto na sino ba si Kylie. Hindi na yung sexy. Gusto ko matalino, magaling na aktres, mabuti na kaibigan, daughter, mabait na tao, with respect,” pakli ni Kylie.
Pero kahit ano pang sabihin ni Kylie, sexy pa rin talaga ang dating niya kahit na balot na balot siya.
Tumawid na siya sa isang wholesome movie kagaya ng Penduko, at wala namang masama ru’n kung sexy pa rin ang dating niya.
Mga sinehan, nangakong hindi magtataas ng presyo sa pasko
Kasado na ang Metro Manila Film Festival 2023 na sisimulan ng parada sa Sabado, Dec. 16, na magsisimula sa Navotas Centennial Park, at magtatapos sa Valenzuela People’s Park.
CaMaNaVa ang hosts ng ngayong taong MMFF, kaya mahaba-haba ang parada na magsisimula ng alas-dos ng hapon.
Napaaga ang parada dahil hiling na rin ng karamihan sa mga artista na agahan na ang parada para may sapat na panahon sa paghahanda sa Pasko.
Sampu ang pelikulang maglalaban-laban sa takilya kaya inaasahang tatangkilikin ito lahat, dahil parang bumalik na talaga tayo sa normal.
Ang dami nang mga tao sa labas, at bumalik na rin ang matinding traffic.
Kaya halos lahat ng mga artistang kalahok ay may pakiusap na sana bumaba ang presyo ng ticket sa sinehan.
Isa rin ito sa concern ng ilang mambabatas natin ngayon, dahil hangad naman ng lahat na makabawi ang ating movie industry.
Narinig kong tinawagan ni Sen. Bong Revilla si Mr. Dominic Du na isa sa bookers, in-assure raw nilang hindi sila magtataas ng presyo ng ticket.
Usually, tuwing MMFF ay tumataas ang presyo ng ticket, pero ngayon ay hindi raw. Mahigit P300 ang ticket kaya sana kaya ng mga tao na bumili ng ganito kamahal na ticket.
Sabi pa ni Sen. Bong Revilla: “Wish natin sa mga theater owner, ganundin sa mga producer na kung puwede sana, this coming festival ay ibaba natin ‘yung bayad sa sine.
“Sa aking palagay, ‘pag makita ng tao na mababa ang bayad sa sinehan. Pupunta ‘yan sa mga sine at manonood,” saad ni Sen. Bong.
Next year ay pag-uusapan pa raw nilang mga mambabatas kung ano pang tulong ang puwede nilang gawin para maibalik lang ang dating sigla ng mga pelikula natin.
Bukod kay Sen. Bong, tumutulong din dito sina Sens. Robin Padilla, Jinggoy Esrada at Lito Lapid, na magpu-produce sila ng pelikulang pagsasamahan nilang lahat.
Siyanga pala, mapaaga ang pamasko ni Sen. Bong sa mga masugid na nagpa-follow sa kanyang social media account.
Sa Linggo ang masaya niyang pamasko na Pogi na Pasko Christmas Giveaways 2023.
Mapapanood ito sa kanyang Facebook account na Bong Revilla Jr. na kung saan posible kayong manalo ng mga iPhone, pangkabuhayan package, cash prizes mula P10K hanggang P100K.
- Latest