MANILA, Philippines — Laking gulat ng fans nang biglang mag-perform magkasama sa iisang entablado sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ngayong Miyerkules para sa isang ABS-CBN Christmas Special, bagay na nangyari kahit kahihiwalay pa lang.
Ito ang dinatnan ng kanilang mga tagasunod sa "Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023" sa Araneta Coliseum o the Big Dome, matapos ang kontrobersyal na breakup na pinag-usapan sa loob at labas ng bansa.
Related Stories
Sa videos na pinost ng fans, makikitang pinerform ng dalawa ang kantang "I'll Be There for You" ng grupong the Rembrandts. Kilala ang awitin bilang soundtrack sa American sitcom na "Friends."
We will always be here for the both of you!!! ????????????????????????
— KATHNIEL SPIKERS (@KATHNIELSpikers) December 13, 2023
LEGENDARY KATHNIELS#AllForKathNiel pic.twitter.com/RUvTuKz1mZ
no one else comes close, kathniels ????
— ? (@godtierkn) December 13, 2023
LEGENDARY KATHNIELS#AllForKathNielpic.twitter.com/4QW26jydd5
Ito ang unang public appearance ng dating magjowa matapos ang naturang breakup.
Matatandaang ika-30 ng Nobyembre nang kumpirmahin ni Kathryn ang pakikipaghiwalay kay "DJ" matapos ang 11 taong relasyon, isang balitang ikinalungkot ng marami.
"I'm well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It's true that Deej and I have decided to part ways," wika noon ng aktres.
"Like any other relationship, we tried our best to make it work. We've been drifting apart for a while now, and we ultimately had to accept that we can't go back to where we used to be... Our love story began with respect and ended with respect."
Umaasa naman ang aktor na pareho silang "mag-grow at mag-heal" mula sa nangyari habang pinasasalamatan ang lahat ng kanilang mga fans.
Hindi pa rin malinaw ang dahilan sa likod ng hiwalayan ng dalawa lalo na't hindi raw sasagot si Kathryn sa kahit na anong katanungan tungkol sa recent breakup.
Gayunpaman, ugong-ugong na nagkaroon diumano ng "pagtataksil" kasama ang aktres na si Andrea Brillantes. Tahimik pa rin ang kampo ng huli sa ngayon.
Mapapanood ngayong ika-16 hanggang ika-17 ng Disyembre ang "Forever Grateful: The ABS-CBN Christmas Special 2023," bagay na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC at TFC.