Ngayong linggo ay nakatakda nang simulan ni Janella Salvador ang shooting para sa pelikulang How To Be A Good Wife. I
tinuturing ito ng aktres na reunion project nila ni Jane de Leon. Matatandaang huling nagkasama ang dalawa sa Mars Ravelo’s Darna na nagtapos noong Pebrero. “I’m gonna start with my new movie with Direk Jun Lana, I’m gonna be with Jane again, Jane de Leon. I’m really excited about it. Kasi siyempre, my first film (Haunted Mansion) was actually by Direk Jun Lana,” nakangiting pahayag ni Janella sa TV Patrol.
Ayon sa aktres ay talagang kaabang-abang ang tema ng pelikula.
Marami umano ang nagtatanong kay Janella kung Girls’ Love o GL ang tema ng bagong proyekto nila ni Jane. “I was actually hoping someone would ask me that. The last thing we want to do is queer bait. And I wanna be honest and say that this isn’t a sapphic film,” paliwanag niya.
Bukod sa pag-arte ay magbabalik na rin si Janella sa pagkanta.
Pansamantalang nagpahinga sa trabaho ng aktres nang magbuntis sa anak nila ni Markus Paterson na si Jude.
Ngayon ay mahigit tatlong taong gulang na ang bata. “I’m planning to release singles muna. Then saka ako magre-release ng whole album, probably before the concert (March, 2024). My concert is planned as a birthday concert,” pagtatapos ng aktres.
JK, hinugot nga kay Maureen ang ere
Sikat na sikat ang kantang Ere ni JK Labajo dahil sa kontrobersyal na lyrics nito.
Ayon sa singer ay ang kanilang paghihiwalay ni Maureen Wroblewitz ang kanyang naging inspirasyon noong isinulat ang kanta.
Mag-iisang taon na rin ang nakalilipas nang nagkahiwalay ang dating magkasintahan. “Kung hindi obvious, ewan ko na lang. Which part of the song? The whole song. Well, I’m not really hiding anything. It’s a super given thing that the whole album was for a breakup. Ere is one of the songs that I made for my relationship that ended. So that’s it,” pagtatapat ni JK.
Samantala, magtatapos na ang Senior High kung saan napapanood si JK bilang isang aktor.
Ayon sa binata ay talagang na-enjoy niya ang trabaho kasama ang bida ng serye na si Andrea Brillantes. “It’s nice working with her. It’s really nice working with everybody in Senior High honestly. Everyone is so talented and professional. It’s really a nice environment to be working at. Malapit na din matapos kaya nalulungkot na kami but we hang out outside of set. We have fun working,’ pagbabahagi ng singer-actor. — Reports from JCC