Marian malungkot sa hiwalayan sa showbiz; dingdong umaasang lalabas ang manonood sa pasko
Natanong ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa dumaraming nagaganap na hiwalayan sa showbiz lately.
Malungkot si Marian. “Siyempre, everytime na nakakarinig tayo ng mga ganitong pagkakataon sa mag-couple ay nakakalungkot talaga, so ang tanging magagawa lang natin, mga nakapaligid at kung kaibigan man natin sila ay ipagdasal natin sila na maging maayos at makayanan nila itong pagsubok na ito,” sabi ng actress kahapon sa launching ng bago nilang endorsement na NWOW electronic bike.
Habang ang iba ay grabe ang kontrober sya, hectic ang schedule ng mag-asawa dahil sa pelikula nilang entry sa MMFF.
Ayon kay Dingdong “Minsan apat na event sa isang araw.”
Puspusan ang promo ng Rewind movie nila : Importante sa amin ang paparating na filmfest na ito,” pahayag ng actor.
Kaya umaasa siyang lalabas ang tao para manood ng 10 official entries ng MMFF. “Personally I’m hoping na lumabas talaga ang tao para manood kasi imagine, may sampung pelikula na pwede nilang pagpilian that only goes to show na ang mga producer natin ay very eager na to produce this content para sa ating manonood. May pag-asa. Umaasa ang mga producer... kaya umaasa rin kami na lalabas ang mga manonood. Iba po talaga pag napanood nila ito sa mga sinehan,” sabi pa ng actor na isa rin sa producer ng pelikula.
Anong advantage kumbaga ng pelikula nila para maunang panoorin simula sa December 25? “Naniniwala naman ako na may kini-cater ang bawat isang pelikula ayon sa hilig ng isang manonood. ‘Yung sa amin masasabi namin na ‘yung pelikula namin ay tungkol sa pagmamahal, tungkol sa pamilya tungkol sa second chances... It’s a feel-good movie. I think this is for everyone.”
Pahayag naman ni Marian : “Actually dun kami excited na pag napanood nila ‘yung pelikula, ano ‘yung magiging impact nito sa buhay nila, so ‘yun ang gusto namin ibigay sa mga manonood.”
Hindi pa nila napapanood ang kabuuan ng movie, “gusto namin sa first screening dun namin mapanood,” pahabol ni Dingdong.
Nang tanungin namin si Marian na parang everyday may new endorsement siya “Naku thank you Lord. Hanggang kaya, game.”
- Latest