^

PSN Showbiz

Bong, mamimigay ng 2 sari-sari store at iba pa sa kanyang online show

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bong, mamimigay ng 2 sari-sari store at iba pa sa kanyang online show
Senator Bong Revilla

Mamimigay ng maraming papremyo sa kanyang Facebook live program si Sen. Bong Revilla.

Aniya bilang pasasalamat niya ito sa fans na andyan lagi para sa kanya at kanyang pamilya.

This year, Pogi Na Pasko Christmas Giveaway 2023, ang tema na gaganapin sa December 17 at mapapanood sa official Facebook account niya na facebook.com/bongrevillajrph.

 Ilan sa pwedeng mapanalunan ay two mobile sari-sari store, 4 iphone, 15 promax, 3 iphone 15, pangkabuhayan package, cash prizes na P100K, P50K, P25K, P10K, at may malaking-malaking sorpresa na ikatutuwa umano ng mga manonood.

May kailangang i-fill up sa Google form https://forms.gle/j2XUb2Rk5XwzoUzcA. Pero isang entry lang daw ang bawat kasali dahil automatic na matatanggal ang may higit sa isang entry.

 Magkakaroon din ng 2023 Amazing ang Pasko Dance Challenge! Group Category: 1st Prize-P100,000, 2nd Prize-P50,000 at 3rd Prize-P30,000; Couples Category: 1st Prize-P30,000, 2nd Prize-P20,000 at 3rd Prize P10,000; Solo Category- 1st Prize -P20,000, 2nd Prize- P10,000 at 3rd Prize –P5,000.

 “Masaya ang magiging takbo ng Pogi na Pasko Christmas giveaway  dahil bukod sa napakaraming papremyo ay pinaghandaan namin ang mga pakulo na tiyak na magpapasaya sa marami nating kababayan,” pahayag ni Sen. Bong.

Pitong taon na nila itong ginagawa tuwing sasapit ang Pasko.

Pagpasok ng 2024 ay magiging busy na si Sen. Bong sa pagbalik ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at pelikula nila ni Sharon Cuneta.

ACTOR

BONG REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with