Hindi sinagot ni Sarah Lahbati ang mainit na isyung ‘hiwalayan’ nila ni Richard Gutierrez.
Lalo itong pinag-usapan dahil sa pagsasalita ni Tita Annabelle Rama at ang ipinost nito sa kanyang social media account.
Nakapanayam ni MJ Marfori si Sarah sa nakaraang story conference ng bago niyang action-drama series na ipu-produce ng Viva Films para sa TV5, ang remake ng dating pelikula ni Rudy Fernandez na Lumuhod Ka sa Lupa.
Tinanong siya tungkol sa kanila ni Richard, pagkatapos ng mga binitawang pahayag ni Tita Annabelle.
Aniya: “I’d rather not comment on anything personal if that’s your asking. Dahil ang Lumuhod Ka sa Lupa, malapit na.”
Ang sabi lang niya, “a tap on the back” ang Christmas gift niya sa sarili.
Nagpapasalamat siya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya, at ang latest nga itong bagong soap na gagawin niya.
Pero titiyakin daw niyang hindi pa rin niya pababayaan ang dalawa niyang anak na sina Zion at Kai Gutierrez.
“I’m still a very hands-on mom. So, I wanted to do something for myself,” bahagi ng pahayag ng aktres.
Self-love ang gusto rin niyang pagtuunan kahit naglalaan pa rin siya ng oras sa kanyang mga anak.
Samantala, pinutakti rin ng mga komento ang huling post ng ama ni Sarah na si Abdel Lahbati.
Iisa ang interpretasyon ng netizens sa caption ng IG post nitong kuha na magkasama sila nila Sarah, ang asawa nitong si Esther at ang dalawa nilang apo.
Aniya: “Enjoying every moment with family.
“The convoy keeps going and don’t mind dogs barking.”
Halos 1,500 likes ito at mahigit isang daan ang nagkomento na karamihan ay pagpapahayag ng suporta kay Sarah.
Ang dami na ring pumik-ap sa FB post ni Tita Annabelle at karamihan nagpahayag din inspiring comments na ituloy lang ang kanyang laban sa isyung ito.
Pero sa gitna ng isyung ito, gamit pa rin ni Sarah ang apelyidong Gutierrez. Kaya kasama kami sa marami pa ring umaasang magkaayos sila at hindi matuloy ang hiwalayan.
sana talaga!
Tonton, tinawag na George Clooney ng ‘Pinas!
Sa gitna ng isyung hiwalayan iilan sa pinupuri na magandang samahan ay ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.
Magkasama silang dalawa sa pagpu-promote ng pelikulang Unspoken Letters ng Utmost Creatives na magsu-showing na sa Dec. 13.
Pabiro ang sagot ni Tonton sa nakaraang grand mediacon ng pelikulang ito na kaya wala raw si Glydel doon dahil ayaw niyang pag-usapan na ang asawa ang gumaganap na stepmother niya sa pelikulang ito.
Kantiyaw na lang ito ni Tonton kay Glydel dahil ang aktres ang gumaganap na stepmother ng young Tonton na ginagampanan ng baguhang young actor na si MJ Manuel.
At least naging nanay raw niya sa isang pelikula ang kanyang asawa.
Ganun sila mag-asaran, lalo na’t minsan ay napagkamalan din daw na tatay siya ni Glydel.
Pero sa totoo lang, agree ang lahat na habang nagkakaedad si Tonton, lalo pa itong gumuguwapo.
Ang tawag nga sa kanya ng ilang entertainment press, siya na ang dapat na taguriang ‘George Clooney of the Philippines.’
“George Clowny nga ang sinasabi ko, parang patawa lang,” sambit ni Tonton sa nakaraang mediacon ng Unspoken Letters.
Relaxed na buhay kasama ang pamilya, ang sa tingin niya sikreto na napapanatili niya ang kaguwapuhan sa edad na 55.
Nanatili pa ring buo ang pamilya at hindi natsitsismis na magkaproblema silang mag-asawa, dahil simple lang daw sila sa kanila at nagsusuportahan sa kanilang trabaho, kahit pareho silang artista.
Dito sa pelikulang Unspoken Letters pala ay ilulunsad ang baguhan pero magaling na young actress na si Jhassy Busran, at suportado rin nina Gladys Reyes, Simon Ibarra, Matet de Leon, at Orlando Sol. Kasama rin sina Daria Ramirez at Deborah Sun, sa ilalim ng direksyon nina Gat Alaman, Paolo Bertola at Andy Andico.