Direk Bobot Mortiz, malaki ang galit kay John Lloyd

Direk Bobot Mortiz at John Lloyd Cruz

Hindi pala maganda ang naging paghihiwalay nina Direk Bobot Mortiz at John Lloyd Cruz.

As in galit na galit daw si Direk Bobot sa actor dahil nagulat ito nung biglang last taping na sila ng comedy show na Happy ToGetHer na napapanood sa GMA 7.

In short iniwan sila sa ere na walang sabi-sabi ng aktor.

Si Direk Bobot ang director at line producer ng programa sa GMA 7 at marami siyang dinalang Kapamilya stars sa programa.

Maganda rin daw ang rating nito at commercial load.

Kaya nasorpresa raw sila sa ginawa ni John Lloyd.

Maalalang naglabas last August ng statement ang GMA 7 na ang Kapuso weekend sitcom na Happy ToGetHer will officially conclude at the end of this season. Last Aug. 6 ang last episode nila.

Hindi pala ‘yun alam ni Direk Bobot.

Nakailang season din naman sila sa GMA 7 bago tuluyang nanawa si John Lloyd sa programa.

Nag-umpisa itong mapanood noong December 2021.

Ayon sa isang source, hanggang ngayon daw ay ayaw pa ring magtrabaho ni John Lloyd bilang isang actor.

Mas masaya raw ito ngayon sa pagiging ordinaryong tao.

Show comments