Pinagdiinan ni Annabelle Rama na hindi siya kontrabida sa pinagdaraanang problema ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Labahti.
At baka raw magulat ang lahat sa mga pangyayari.
Post ni tita Annabelle:
“Mga Chismosang Marites!!
“Tigilan nyo na ang gumawa ng maling kwento. Lahat ng lumabas sa sosyal media is all fake news.
“Wag nyo ng dagdagan ang mga maling balita malalaman nyo rin ang katotohanan in due time.
“Baka ma shock kayo at hindi na ako ang lalabas na kontrabida.
“Malalaman niyo kung sino ang walang hiya na kontrabida.
“Mali ang bentang nyo sa akin.
“Sino ba ang may gustong mag hiwalay sila. Ako ba? Or ang mag ina.
“Wag nyong idiin sa akin ang nangyayari ngayon. Ako ang walang alam sa nangyari ang bilis. Nagulat nalang ako biglang dumating ang nanay at tatay galing ibang bansa. Doon na nag umpisa ang malaking gulo. Wag nyo ibagsak sa akin ang sisi.
“Kung hindi ako pinag bawalan ng lawyer na magsalita . Mag enjoy sana ang buong mundo sa sasabihin kung kwento. Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan sa pangyayari pero wala akong magawa. Abangan ang susunod na kabanata.
“Basta ako ayaw ko silang mag hiwalay. Dahil mahal ko ang mga apo ko,” ang kabuuang post ng controversial mommy nina Ruffa at Richard.
Ahhh. Excited kumbagang malaman ng mga true blooded Marites ang totoong rason ng hiwalayan nina Richard at Sarah na may showbiz comeback sa pamamagitan ng isang pelikula sa Viva.
Pero ang isang kapansin-pansin, parang sinadya ni Sarah na mag-post ng unhealthy looking siya, parang ang payat.
Maraming malisyosong kontrobersya sa kanilang paghihiwalay pero mahirap magkalat ng maling kuwento dahil nakaabang ang mga abogado.
Sa kasalukuyan ay mas pinag-uusapan na ang hiwalayan nina Richard at Sarah at humupa na ang usapan kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo