Jessy, takot makalimutan ng showbiz
Pinaghahandaan na ni Jessy Mendiola ang kanyang pagbabalik sa trabaho sa susunod na taon. Matatandaang tumigil ang aktres sa paggawa ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula mula nang mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya. “Pinapalaki ko lang ‘yung anak ko. Kinakabahan na nga ako kasi baka nakalimutan na ‘ko ng showbiz. Exciting pero nakakakaba rin if ever magbalik ako next year,” pagtatapat ni Jessy.
Inamin ng aktres na maraming proyekto na ang kanyang pinalampas upang pagtuunan ng panahon ang buhay may-asawa. “Last year pa even before ako magbuntis, ang daming nag-o-offer na magteleserye. Actually, ngayon, may movie na nag-offer sa akin for Metro Manila Film Festival (2023). Hindi pa ako ready talaga ngayong taon. Kasi gusto ko mag-one year muna ‘yung anak ko. So next year feeling ko ready na ako,” giit niya.
Nangangarap si Jessy na makatrabaho sa isang proyekto ang biyenang si Vilma Santos. Para sa aktres ay siguradong marami siyang matututunan mula sa nag-iisang Star for All Seasons. “I really like to work with my mother-in-law. We’ve been talking about it. Pwedeng sitcom, pwedeng movie together. We might produce something. Intimidating talaga, kasi Star for All Seasons ‘yon, Vilma Santos ‘yon but I’m really excited to learn from her. Kasi ang tagal ko nang hindi umaarte. I’m really excited na makatrabaho ko siya,” pagtatapos ng aktres.
Nadine, ‘di nanghinayang sa MMFF
Kabi-kabila ang naging trabaho ng dalaga noong isang taon dahil sa pelikulang Deleter na naging bahagi ng Metro Manila Film Festival 2022. Humakot ng maraming awards ang naturang MMFF entry at nasungkit din ni Nadine ang Best Actress award para dito.
Ngayong taon ay hindi nakapasok sa MMFF 2023 ang pelikulang Nokturno na pinagbibidahan ni Nadine. Masaya ang aktres dahil maipagdiriwang nang maayos ang Kapaskuhan ngayong taon. “Honestly I would be happy kung nakapasok ‘yung Nokturno. But kahit hindi nakapasok, I’m also happy because it only means I get to spend Christmas properly this time around because last year was too hectic for us. Parang halos everyday mayroon kaming schedule. So I didn’t really get to spend so much. Nag-dinner kami pero parang hindi naman na-digest (ang food) kasi may work na agad. I’m grateful na makakapag-Christmas ako nang maayos this year and honestly, I just want to chill. I don’t have plans at all,” nakangiting kwento ni Nadine.
Sa pagpasok ng bagong taon ay nangangarap ang dalaga na mayroong magawang iba pang mga bagay bukod sa trabaho. Nahihiligan ngayon ni Nadine ang pagpapalayok. “Honestly, what I want to do is spend more time with myself and start a hobby ulit. I kinda started doing pottery ngayon. It’s something I want to continue next year. It’s nice to be able to do activities na hindi ka nag-iisip. ‘Yung relax lang doing things that you are enjoying. A lot of stuff that I did this year are all sobrang nakakapiga ng utak, and business also. I can say na yes it’s stressful kasi it’s like kailangan tutok ka eh,” pagbabahagi ng aktres. — Reports from JCC
- Latest