^

PSN Showbiz

2 EB, tuloy ang banggaan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ayon sa ilang napagtanungan namin, next week na raw magsusumite ang TAPE, Inc. ng appeal sa Intellectual Property Office (IPO) kaugnay sa trademark na kinansela sa kanila.

Pero tuloy pa rin ang dalawang kontrobersyal na noontime show na ito.

Sa GMA 7 ang Eat Bulaga, at ang sabi sa amin ng taga-TAPE, mas nadagdagan daw sila ng sponsors at may mga bago raw silang games na meron agad sponsor

Ganundin ang sa E.A.T. ng TVJ sa TV5 ang dami pa rin nilang advertisers, at ang nakikinabang sa mainit na isyung ito ay ang mga manonood.

Pero ewan ko kung nalilito na ba sila o nakasanayan na ang napapanood sa tanghali ay parang dalawang Eat Bulaga na.

Kinakanta na uli ng TVJ ang original theme song ng Eat Bulaga, at nababanggit nila ito sa E.A.T.

Ganun siyempre ang ginagawa rin ng grupo nina Paolo Contis at Isko Moreno, dahil Eat Bulaga naman talaga ang titulo ng programa nila.

Tinanong ko nga si Paolo tungkol dito : “Hindi ko naman napanood. Kasi sabay show namin hahaha!” safe lang na sagot niya.

Kaya nga tama ang sinabi ni Joey de Leon na ngayon lang nangyayari na naglalaban ang dalawang programa.

“Hindi ba kayo natutuwa? Part ng history natin ngayon... hindi n’yo lang napapansin na may nangyayari sa kasaysayan. Ngayon lang nangyari na magkalaban ang parehong show sa telebisyon.

“Dalawang Eat Bulaga, naglalaban.

“’Yung It’s Showtime hindi n’yo napupuna may ‘It’ ‘yun. Nakikisali pa.

“Ah mas mahal namin ‘yun. Love namin ‘yun. Basta ABS, love ko,” pahayag ni Tito Joey sa nakaraang mediacon ng TVJ.

Pero ang dami na ngang gustong malaman, kung puwede na ba talagang gamitin ng TVJ ang titulong Eat Bulaga.

Dapat bang magpalit ang TAPE ng titulo ng kanilang noontime show?

Sabi ni Atty. Enrique ‘Buko’ dela Cruz na legal counsel ng TVJ: “Ang opinyon po talaga ng Divina Law, ‘yung grupo namin, puwede nang gamitin kahit noon pa.”

Kailan ang tamang panahon na maayos na ang dalawang noontime shows na ito? ‘Yun ang mukhang matatagalan pang mangyari.

Aabot pa ba hanggang taong 2024 ang mainit na isyung ito ng Eat Bulaga?

Jeri, tinanggalan ng apelyido

Pormal nang inilunsad ang bagong talent ng Star Records na si Jeri Violago sa kanyang first single na Gusto Kita na likha ni Vehnee Saturno.

Ilang buwan ko nang naririnig sa radio ang kantang ito na bagay sa Gen Z at may recall na madaling sabayan ‘yung kanta.

Kasabay ng formal launch nito na ginawa na nilang Jeri ang pangalan ng baguhang singer para mas may recall. Tinanggal na ang apelyidong Violago, kahit ang sosyal naman ng pangalan.

Sabi ni Mr. Jonathan Manalo ng Star Records, malakas talaga ang single name sa isang singer dahil madaling tandaan.

Aniya: “For recall purposes sa sobrang dami talaga ng mga artists na ini-introduce.

“Actually, may lumabas nga na data from IFPI (International Federation of the Phonographic Industry), merong 100 thousand songs released every week.

“Ganun talaga ang competition ngayon sa music, locally and globally, ilang percent ang sa atin dun kung 100 thousand new songs released every week. And siyempre, kailangan ‘yung artist, first time mo siyang ma-encounter, mas madali mong matandaan, huwag mo lang bigyan ng dalawang pangalan, huwag mo lang bigyan ng apelyido. Nag-work naman.”

Bukod sa pagkanta ay nakitaan ng talento si Jeri sa pagsusulat ng mga kanta, at ang dami na niyang nagawa.

Nagustuhan ng Star Records ang karamihan sa mga kanta niya, at sinuportahan pa ito ni Vehnee Saturno.
 

EB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with