^

PSN Showbiz

Alden, ‘di kayang tumapak sa Eat Bulaga

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden, ‘di kayang tumapak sa Eat Bulaga
Alden Richards

Mukhang mahaba pa nga ang lalakbayin nitong isyu ng Eat Bulaga ng TAPE, Inc. at nina Tito, Vic and Joey.

Lumabas ang latest development sa trademark issue na pinaglalaban pa rin ng TAPE.

Sabi nga ni Paolo Contis na main host ngayon ng Eat Bulaga, mahaba pa raw ang laban.

Pero hindi lang ang trademark ang labanan nila, kundi meron pang pending na copyright infringement.

Inaasahang bago matapos ang taong ito ay ibaba na ang desisyon ng copyright infringement na isinampa ng TVJ laban sa TAPE, Inc. at GMA 7.

As of presstime, hindi pa sumagot ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque kung ano ang kalalabasan nito kung sakaling ibaba na rin ang desisyon ng korte sa copyright infringement.
Pahayag ni Atty. Enrique 'Buko' dela Cruz:

"Sa IPO ang tanong, sino ang may karapatan sa titulong Eat Bulaga.

"Dun naman sa RTC Marikina, ang tanong ay kung puwede bang gamitin 'yung show na Eat Bulaga at lahat na mga segments na bahagi nito, kasama na 'yung jingle dun, at 'yung paggamit ba nila dun ay paglabags a karapatan ng orihinal na lumikha at ito ba ay ginawa upang sumakay sa popularidad na pinasikat ng TVJ.

"’Yun ‘yung tanong dun sa RTC Marikina. So, ‘yun pa wala pang desisyon. Malapit na rin lumabas ang decision nu’n.”

May mga naririnig na kuwento tungkol sa kaso, pero mahirap mag-assume. Kaya tingnan natin kung ano ang kahihinatnan ng mainit na isyung ito.

Mukhang hindi naman naapektuhan ang ratings ng noontime shows na ito dahil halos ganun pa rin ang ratings nito.

Madalas namang mataas ang ratings ng E.A.T. ng TVJ at lumalaban naman ang Eat Bulaga ng GMA 7 at sumusunod ang It's Showtime.

Samantala, hiningan ng reaksyon ang TVJ sa pag-guest ni Alden Richards sa It's Showtime.

Wala naman daw problema sa kanila.

Naintindihan naman daw nila kung sakaling mag-guest si Alden sa Eat Bulaga para i-promote ang Metro Manila Film Festival entry nilang Family of Two (A Mother and Son Story).

"Contract star ng GMA si Alden, alangan namang hindi siya mag-promote dun? No problema with that at all," pakli ni Tito Sen.

Pero kung sakaling mag-promote ang dati nilang Dabarkads sa E.A.T., welcome naman daw ito, lalo na't pelikula nila ni Sharon Cuneta itong Family of Two (A Mother and Son Story).

"Si Alden pa!" kaagad niyang sagot.

Pero sa pagkakaalam namin, ayaw pa ni Alden na mag-promote sa Eat Bulaga at baka ma-bash lang siya nang bonggang-bongga.

Naintindihan naman daw ito ng taga-Eat Bulaga kung sakaling hindi magpu-promote sa kanila.

Sharon, kapos ang kaligayahan sa pasko

Hindi lubos ang happiness ni Sharon Cuneta sa darating na Pasko, dahil hindi niya makakasama si KC Concepcion.

Nagpaalam na raw ang anak niyang kay Gabby Concepcion magpa-Pasko ang kanilang anak.

Masaya naman daw siya para sa mag-ama, dahil ngayon lang sila uli magkakasama sa Pasko.

Kuwento ni Sharon sa nakaraang media conference ng MMFF entry nilang Family of Two (A Mother and Son Story):

“Simple lang akong mag-Pasko, simple lang kami lagi. It’s always just... noche buena, kami lang, just my immediate family. But it will be the first Christmas na KC will be spending with her papa. So she was asking me but I said, ‘I was just about to tell you, I was just about to text you ahhm to spend it this year with him.’

“Coz he’s 60 now and they’ve never spent Christmas together. Tapos... so, it’s gonna be different for me.

“A little sad, a little… but happy, Ok na, you know. I’m happy for them also, coz they’re making up for lost time.

“So ganun lang, simple, masaya pa rin. Kain lang, tapos magdadasal kami. Tapos mag-o-open ng konti lang na gifts like siguro five each person.

“Oo, five muna. Kasi the next morning ‘yung talagang opening ng gifts...”

Maganda naman pakinggan ang ganitong balita dahil okay na okay na nga sina Sharon at Gabby pagkatapos nilang magsama sa Dear Heart concert.

Very successful ang concert at ngayon pa lang inaayos na ang kanilang US Tour, pero medyo mahirap lang isiksik sa kanilang schedule.

Dahil sa success ng Dear Heart concert, may naririnig naming inaayos na isang project na ang title ay P.S. I Love You.

ALDEN RICHARDS

EAT BULAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with