Sam at Catriona,‘di magmamadaling magkaanak
Excited na si Sam Milby para sa kasal nila ni Catriona Gray na mangyayari sa susunod na taon.
Mahigit tatlong taon nang magkarelasyon ang dalawa at naganap ang engagement ng magkasintahan noong Pebrero lamang. “I am happy, I am excited. We have a great team behind this helping us prepare. We’re getting things ready and we’re excited. It’s an intimate wedding,” nakangiting pahayag ni Sam sa ABS-CBN News.
Halos sampung taon ang agwat sa edad ng magkasintahan. Pagkatapos ng kasal ay hindi pa umano bubuo ng sariling pamilya sina Sam at Catriona. “Ako, I’m ready. Of course, I’m turning 40 next year. She’s turning 30. We’re both so excited to start a family. But it’s enjoying the marriage first,” pagtatapat ng aktor.
Samantala, hindi magkasamang magdiriwang ng Kapaskuhan sina Catriona at Sam. Nakatakdang umuwi ng Miss Universe 2018 sa mga magulang nitong nakabase sa Australia. “She will be going back to Australia to be with her parents. I was with her last year. I was planning on going back sa Ohio. It was the 3rd year of my father’s death, Nov. 1. And my mom is in the States so I want to go home and be with her. But she’s coming next year. I’ll just stay here (Pilipinas) for Christmas and be with my sister and kasama mga pamangkin ko,” pagbabahagi ng binata.
Miles, may natutunan sa ginawa ni Elijah
Kamakailan ay nagbigay ng pahayag si Elijah Canlas tungkol sa paghihiwalay nila ni Miles Ocampo.
Ilang buwan na ang nakalilipas nang magkahiwalay ang dating magkasintahan. “We went through a rough patch recently mainly because we are going through our own stuff. We are okay, we are not mad at each other. I’m always gonna have love for her and support her with what she does. But right now, we are taking our time figuring things out,” makahulugang pahayag ni Elijah.
Nagbigay naman ng reaksyon si Miles sa ginanap na media conference para sa pelikulang Family of Two noong Linggo. Mayroon umanong natutunan ang aktres mula sa naging relasyon nila ni Elijah. “I will love myself more this time. I’m good, I’m happy,” bungad ni Miles.
Malaki ang pasasalamat ng dalaga sa mga magulang dahil sa suportang ipinararamdam ng mga ito sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan. “ I am grateful sa mommy ko, sa parents ko actually. Kahit wala na kayong conversation, nararamdaman mo,” nakangiting kwento ng aktres. — Reports from JCC
- Latest