Jhassy, nasaktan kay Gladys

Tonton Gutierrez, Glydel Mercado at Gladys Reyes

Naku Salve ha kinukulit ako ng mga alaga kong sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado at Gladys Reyes. Kasi nga kasama nila sa movie si Jhassy Busran na talaga raw napaka-professional at ang husay sa acting.

Hindi nga nila akalain na isang napakabait na bata ay ganun kahusay sa acting.

Hindi kataka-taka dahil nanalo na ito ng ­acting awards sa abroad kaya naman malaki ang ­expectation sa kanya.

Bongga kung nakakarampa lang ako sa mga sinehan, manonood talaga ako nito sa December 13.

Sa mga kwento nina Tonton, Glydel at Gladys, talaga na-impress ako kay Jhassy ha na hindi naman daw talaga naging madali ang ginampanan niyang role.

“Akala ko, madali lang ‘yung role but when we were shooting, it’s so demanding pala. I did a lot of research about her mental impairment. Mahirap, but I love the role so much so I gave it my best.

“I want to thank our director and all my co-stars who are all very helpful in our scenes together. Talagang nakatulong lahat ng inputs na ibinigay nila sa akin during the shoot,” sabi ni Jhassy sa mga nag-interview sa kanyang reporter last Sunday.

“Lalo na yung pagsampal sa akin ni Ms. Gladys na nasaktan talaga ako at namula ang mukha ko. But now, I can say proudly na nasampal ako ng isang Gladys Reyes at maganda ang kinalabasan ng eksena naming yon. I’m really proud of the movie as it’s about love in the family, specially how to handle a special child.”

Bongga si Jhassy. Gusto ko na siyang ma­kilala ng personal.

Ayaw ni Leo E. Hahahaha.

Show comments