Sister ni Kathryn, may pa-shade ng karma kay Daniel?!
Isyu ang pagpo-post ng sister ni Kathryn Bernardo na si ng lyrics ng song ni Taylor Swift na Karma. May circle pa ang line sa song ng “Karma’s gonna trick you down. Step by step from town to town. Sweet like justice karma is a queen.”
May mga pumuna sa ginawa ng ate ni Kathryn dahil kailangan daw patahimikin na ang isyu at patahimikin na rin si Kathryn.
Pero, mas marami ang nag-agree sa kanyang pagpo-post na shade raw kay Daniel Padilla. Hindi lang daw si Kathryn ang nasaktan, pati ang buong pamilya ng mga Bernardo dahil tinanggap nila ng buo si Daniel, pero niloko lang daw si Kathryn.
May nakiusap kay Kaye Bernardo na KathNiel fan na ‘wag na siyang gumawa ng hate culture laban kay Daniel dahil nagtulungan daw ang KathNiel para sila sumikat at parehong nakinabang sina Kathryn at Daniel. Pumalag ang fans ni Kathryn, dapat lang daw malaman ng tao kung ano ang pananakit na ginawa ni Daniel sa ex-GF.
Mahaba pa ang pupuntahan ng isyung ito, may mga pangalan pang madadawit, ang wish ng nakararaming KathNiel fans, magpatawaran sina Kathyrn at Daniel para maging friends sila sa tamang panahon at magkatrabaho uli.
Samantala, wala pang update sa likes ng post ni Kathryn sa break-up nila ni Daniel. Two days ago, umabot na sa 5 million ang likes ng break-up post niya sa Instagram at siguradong nadagdagan ang bilang nito.
Aldub fans nawindang
May Aldub fans na hindi nagustuhan ang paggi-guest ni Alden Richards sa It’s Showtime dahil hindi raw napanindigan ang pahayag niya na hindi siya maggi-guest sa noontime shows na katapat ng E.A.T.
Matagal kasing naging mainstay si Alden ng show nina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon noong sa GMA-7 pa ito umeere at nabanggit na hindi siya maggi-guest sa mga katapat na It’s Showtime at Eat Bulaga. Pero kahapon, nag-guest sila ni Sharon Cuneta sa Showtime at masaya pa raw si Alden na isinigaw ang “What’s Up Madlang People” at may kasama pang talon.
Nilinaw naman ni Alden sa mediacon ng 2023 MMFF entry nila ni Sharon Cuneta na Family of Two, na kaya lang siya maggi-guest ay para i-promote ang movie nila at hindi naman siya magho-host. Saka, sandali lang naman ‘yun.
Pero, ayaw tanggapin ng aktor at ini-insist na hindi nito pinanindigan ang pahayag, kaya ayun, may pa-boycott na naman sila sa movie nina Alden at Sharon na hindi naman umeepekto tulad sa kanilang ginawa sa Five Breakups and A Romance.
Sabi naman ng solo fans ni Alden, kahit may mga magbo-boycott, tuloy ang suporta nila kay Alden at sa movie nila ni Sharon at may mga block screening na nga silang naka-schedule. Bukod pa ito sa gusto nila at gagawin daw nila ang lahat para mag-number one ang Family of Two.
Samantala, first time na hindi magiging physically presents si Alden in this year’s New Year Countdown ng GMA Network dahil magbabakasyon sila ng kanyang pamilya sa Amerika. Kasama nila ang kanyang grandparents at after New Year na ang balik nila ng bansa.
Jessy, sinagot ang masagwang komento
Sinagot ni Jessy Mendiola ang netizen na nag-comment ng “masagwa” ang pose niya sa isa sa kanyang birthday shoot na pinost sa Instagram. Sagot ni Jessy, “Asawa ko nga hindi na-offend eh, ikaw pa kaya?”
Tama si Jessy, nagustuhan ni Luis ang kanyang birthday post at mababasa ang mga comment nitong “Ang ganda naman Mrs. Manzano,” “I love you, and WOW,” at “Ayyyy.”
Wala naman kasing masagwa sa birthdayv photoshoot ni Jessy at ang pinaka-sexy at pinaka-daring na pose niya ay ‘yung black brassiere ang suot pero may suot siyang black jacket.
Sa isa pang photo, parang white brassiere ang suot ni Jessy at hindi pa rin masagwa kaya’t tama lang na mag-react siya.
- Latest