Fresno Style PH, kauna-unahang kampyeon ng “It’s Showdown”
Nagwagi bilang kauna-unahang grand winner ng It’s Showdown ang Fresno Style PH matapos nilang binida ang kanilang puso, teamwork, at angking galing sa larangan ng pagsayaw sa pinakamalaking dance off ng bansa na The Grand Hatawan.
Unang round pa lang ay nagpasiklab na ang grupo kasama si Zeus Collins sa ‘Dancing with the Star’ kaya naman nanguna sila sa standings.
Tuluyan nilang tinapos ang kompetisyon sa ‘Huling Hataw’ at nakakuha ng pinakamataas na total average score na 7.8 mula sa combined scores ng dance royalties na sina world champion coach at World of Dance country director Vimi Rivera, Star Magic head choreographer Mickey Perz, OG Sexbomb member Jopay, New Gen Dance Princess AC Bonifacio, at dating XB Gensan member na si Jay Roncesvalles.
Mag-uuwi rin ang grupo ng P300,000 at trophy samantala, P100,000 naman ang nakuha ng United Alliance.
Naunang namaalam sa kompetisyon League of Monsters Brotheass, AMK Rock Nation, at Mi Familia Homies.
Nagtrending din ito last weekend sa It’s Showtime at si Awra.
Napapanood ang It’s Showtime,” 11:30 AM mula Lunes hanggang Biyernes, at 12 NN tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.
- Latest