Andres Bonifacio, kinonek kina Daniel at Andrea!

Daniel Padilla
STAR/ File

Patuloy pa ring nagti-trending ang hashtag na KathNiel, Daniel Padilla, lalo na si Andrea Brillantes.

Kung anu-ano na ang mga naglalabasang content sa online, pati sa social media na may kaugnayan sa breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel.

Itinanggi ni Karla Estrada ang lumabas na post na may quote niya na ipinagtanggol ang kanyang anak.

Ang sabi niya sa nagkalat  diumano’y quotes niya, “Fake po ito. Wala akong ganitong post at hindi ako ang gumawa ng ganitong post.

“Amin na pong iniisa-isa ang mga accounts ng mga mapanirang tao na gumagawa ng mga ganito.”

Ang tanging ipinost ng actress/TV host pagkatapos ng announcement ng breakup ay ang kuha niyang kasama ang dating magkasintahan, at ang nasa caption ay “We love you both. (2 blue hearts emoji).”

Kung anu-ano pang mga interpretasyon at pananaliksik ang ginawa ng ilang netizens.

Ginawan nila ng koneksyon kung bakit nung Nov. 30 in-announce ang breakup.

Ang interpretasyon ng karamihan, ang Nov. 30 ay araw ni Andres Bonifacio, na ang initials ay A.B., kapareho ni Andrea Brillantes.

Si Andres Bonifacio ay kinilalang ang Supremo. Kataas-taasang Pangulo, Supreme President, Presidente Supremo ng Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan (KKK) ng mga Anak ng Bayan.

Ang IG handle ni Daniel ay @supremo_dp. Disyembre 2015 pa nag-join sa IG ang nasabing account, at Enero 2017 na-verify. Kaya A. B.  Supremo.

Pero sa tingin ko nagkataon lang. Binigyan na lang ng kahulugan ang lahat na nangyari.
Kasabay nito ay nasa Netflix uli ang huling pelikula ng KathNiel na The Hows Of Us. Nasa top 10 trending agad ito.

Nakatakda na ring i-stream sa Netflix ang A Very Good Girl ni Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Kathniel, may unspoken letter

Sa totoo lang, sobrang toxic ang araw ng Nov. 30 na kung saan pumutok ang balitang hiwalayan nina Kathryn at Daniel.

Natabunan tuloy ang mga iba pag nag-promote nung araw na ‘yun.

Nagsimula na rin ang promotions ng bagong pelikulang prinodyus ng Utmost Creatives ni direk Gat Alaman, ang Unspoken Letters na mapapanood na sa mga sinehan sa Dec. 13.

Dito ilulunsad ang magaling na baguhang aktres na si Jhassy Busran.

Si direk Gat Alaman ang nagsulat nito na hango sa kanyang karanasan, kasama rin sa pagdidirek sina Paolo Bertola at Andy Andico.

Suportado pa si Jhassy ng magagaling na sina Tonton Gutierrez, Galdys Reyes, Glydel Mercado, Matet de Leon at Simon Ibarra.

Nanalo na si Jhassy sa ilang international award-giving body mula sa short film na ginawa niyang pinamagatang Pugon.

Kaya agree ang lahat na nagampanan niya nang maayos ang role ng isang mentally impaired na bunsong kapatid nina Tonton, Gladys, Matet at Orlando Sol.

The general concensus of the night’s audience was that Unspoken Letters will be endeared to cinema goers who root for films that depict positive family values, reiterating the truth that parents and children should never forget: Family/Home is where Love forever resides.

Naikonek din nung araw na ‘yun na inilabas na rin finally sa social media account ang unspoken letters nina Kathryn at Daniel.

Pero malamang na meron pa silang unspoken letters na dapat pa nilang i-post sa kanilang social media account.

Show comments