Business proposal HK version, mapapanood na sa Ph

Business Proposal

Tiyak na ikatutuwa at kakikiligan ng mga manonood (including me) – ang Hong Kong adaptation ng webtoon-turned-series na Business Proposal na mapapanood na Viu Philippines – sa pagpapatuloy ng paghatid ng premium Asian content.

Ang model at actress na si Hanna Chan ang gaganap na empleyadang magpapanggap bilang mayamang best friend niya sa isang blind date, habang ang singer na Anson Lo ang CEO na pine-pressure ng kanyang lolo na makahanap ng mapapangasawa.

Mapipilitan ang empleyadang ipagpatuloy ang pagpapanggap nang madiskubreng ang ka-date niya pala ay ang kanyang big boss sa kumpanya na ngayon ay nag-aalok pa ng kasal.

Ang singer na si Edan Lui ay gaganap na executive assistant ng boss na mai-in love sa mayamang career woman na gagampanan ng aktres na si Shirley Sham.

Ang istorya ng Business Proposal ng Hong Kong ay malapit sa storyline ng orihinal na hit na webtoon. Isang bagay na ikinatuwa ng webtoon creator na si HaeHwa.

Malugod na tinanggap ng Asian drama fans sa Hong Kong ang pagpapalabas ng sarili nilang Business Proposal.

Ang mga leading men na sina Edan at Anson ay kabilang sa popular na Hong Kong boy group na Mirror.

Ilang detalye sa kuwento ay pinalitan—gaya ng imbes na fried chicken ang produkto ng kumpanya ng big boss, gagawing itong Hong Kong-style restaurant—para mas lalong maka-relate sa viewers. Ang ilang karakter ay bibigyan din ng expanded role.

Ang mga bagong episode ng Business Proposal (HK Adaptation) ay matutunghayan Lunes hanggang Biyernes simula Nobyembre 27 sa Viu.

 Pwedeng i-download ang Viu app via Apple Store or Play Store or bisitahin ang www.viu.com para mapanood ang programa nang libre.

Show comments