ABS-CBN, itinampok ang Gma Network, TV5, at A2Z sa CID!
Ramdam na ng mga netizen ang diwa ng Pasko at pagkakaisa dahil sa Christmas Station ID ng ABS-CBN na Pasko Ang Pinakamagandang Kwento, tampok ang GMA Network, TV5, at A2Z sa makasaysayang music video nito na ipinalabas noong Biyernes (Disyembre 1).
Nagpahayag nga ng tuwa ang netizens dahil pagsama sa mga Kapuso, Kapatid, at A2Z employees sa music video.
Nakita rin sa music video ang iba pang partner media companies na Viu, Prime Video, at PIE Channel.
Agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang star-studded music video, na nakakuha ng mahigit 1 milyong views sa Facebook at YouTube, habang pinupuri ng mga netizen ang mensahe ng music video, kung saan ay naka-relate rin sila, tungkol sa iba’t ibang kwento at hamon na kinakaharap ng bawat isa sa atin at kung paano tayo pinagbuklod ng pinakamagandang kwento ng ating Pasko. “This song centralizes the birth of Jesus and how Christmas is a very great story for everyone. Sa kabila man ng mga challenges, ipadama pa din ang diwa ng Pasko,” sabi ng netizen.
Inaanyayahan naman nila ang lahat na makiisa sa #KwentongPasko campaign. Ikwento ang iyong pinakamagandang kwento ng Pasko sa TikTok, gamit ang template at musika ng Christmas Station ID, at sa Facebook at Instagram, gamit ang feature na “Add Yours.”
Samantala, available na ang opisyal na lisensyadong Kwentong Pasko shirts para sa pre-order sa pamamagitan ng authorized partner ng ABS-CBN na shirtsandprintsph (Facebook, TikTok, Lazada) shirtsandprintsph1207 (Shopee) sa halagang P350.
- Latest