^

PSN Showbiz

‘Third party’ sa Kathniel, nagpaliwanag! mental health ng mga artista, nada-damage raw ng mga marites!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
‘Third party’ sa Kathniel, nagpaliwanag! mental health ng mga artista, nada-damage raw ng mga marites!
Gillian Vicencio

Sa totoo lang, ang daming ‘sumakay’ sa breakup niNA Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.

Lahat may entry, kumbaga.

Eh ‘di ba, hindi naman lahat ng magkarelasyon ikinakasal. May mga naghihiwalay talaga. Kahit nga mag-asawa.

Parang inevitable, certain to happen, unavoidable etc.

Pero ang kinaka-worry ng lahat ngayon, habang ang iba’t ibang platform ay kumikita dahil sa breakup ng KathNiel, may mga nagsasabing psychologist na hindi ito nakakatulong sa mental health ng mga artista dahil ginagawang ‘commodity’ ang isang bagay na masyadong personal.

Oo nga naman at celebrity sila, pero ‘yung kalkalin mo pa at paulit-ulit na gawing kontrobersyal, ibang usapan na.

Na as if kilala at kasama nila sa bahay ang mga artistang pinag-uusapan.

Laging pinaaalala ng World Health Organization (WHO) : “There is no health or sustainable development without mental health; mental health is too important to be left to the professionals alone, and mental health is everyone’s business.”

Anyway, bongga ang Kapamilya star na si Gillian Vicencio na sumagot kaagad sa pagbibintang sa kanyang third party ng KathNiel.  Sa kanyang X account last Friday, sinabi ni Gillian na ‘wag siyang intrigahin na dawit siya sa nawasak na relasyon ng sikat ding loveteam pagkatapos ng 11 years.

“Wag niyo po ako idamay dito, hindi po totoo. Bigyan naman po natin sila ng respeto.”

Nagkaroon ng intriga sa kanila dahil nagkasama sila sa 2 Good 2 Be True.

Nauna nang pinagbintangang si Andrea Brillantes ang third party pero lahat lang ‘yun ay speculation.

GILLIAN VICENCIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with