^

PSN Showbiz

Nakahandang maging tagapayo...Romnick, walang kinakampihan sa Kathniel!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nakahandang maging tagapayo...Romnick, walang kinakampihan sa Kathniel!
Romnick Sarmenta

Isa si Romnick Sarmenta sa mga nalungkot nang mabalitaan ang tungkol sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Nakatrabaho ng aktor ang dating magkasintahan sa La Luna Sangre noong 2017 at 2 Good 2 Be True noong isang taon. “I’ve worked with a lot of people but these two have endeared themselves to me in a way that I didn’t think was possible in this industry. Only because they are genuinely sincere people. That’s sad, to other people it’s probably heartbreaking, to me they’re like my kids. Sincerely, they’re like my kids, Daniel and Kathryn. I feel hurt in a way a father would feel hurt about his daughter or his son. Kasi pareho silang mabait eh. And forgive me if I have a comment, but my comment is coming from a father,” makahulugang pahayag ni Romnick sa ABS-CBN News.

Ayon sa aktor ay palagi lamang siyang nariyan at nakasuporta kina Kathryn at Daniel.

Nakahandang makinig at magpayo ni Romnick kung sakali mang lapitan siya ng sino man sa dalawa. “Tingin ko sa kanila mga anak ko. Kaya it’s safe to say na wala akong kakampihan pero pareho nila akong kakampi. I love them both. Whatever it is that they’re going through, whether this turns out to be one of those humps or it turns out to be life changing in any way, I just want them to know that ako siguro ‘yung isa sa mga taong pwede nilang makatabi na wala silang dapat ikwento and I would still care for the both of them the same way,” paliwanag ng aktor.

Neil, pinag-iipunan ang kasal sa nanay ng mga anak

Kabilang si Neil Coleta sa pelikulang Rewind na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Bilang isang ganap na ama na ay mayroon daw natutunan si Neil mula sa istorya ng naturang Metro Manila Film Festival 2023 entry. “Napapanahon ‘yung story, ang ganda ng kwento at nakakaiyak. Kapag nagkapamilya ka pala, hindi mo na mababalik ang time, mabilis ang oras. Kaya dapat gawin mo na ‘yung magpapasaya sa pamilya mo,” nakangiting pahayag ni Neil.

Dalawa na ang babaeng anak ng aktor sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Chinkee Jazmin Chinnei. Malaki na ang ipinagbago ng pamumuhay ni Neil mula nang magkaroon ng sariling pamilya. “Ibang happiness. Paggising mo, makikita mo ‘yung mga anak mo. Iba ‘yung bonding. Nabago ang lifestyle ko. Nawala na ang party and ‘yung inom. Gusto ko mang sumama sa mga barkada, hindi na, kasi mas uunahin ko ang responsibilities,” giit niya.

Ngayon ay nag-iipon pa umano si Neil upang mapakasalan ang ina ng kanyang dalawang anak. Nag-propose ang aktor sa kasintahan sa Japan noong Abril. “Surprise talaga, wala siyang idea. Sinakto ko talaga kasi buntis siya that time sa pangalawa naming anak. Tapos kasama namin baby namin. Sa Mt. Fuji ako nag-propose. Sobrang romantic nga kasi hindi nagpapakita ‘yung Mt. Fuji. Tapos no’ng nagsasalita na ako, unti-unti nagpapakita ‘yung Mt. Fuji. As in nakita sa video, mayroong dahilan ‘yon. Sobrang sacred daw ng Mt. Fuji para sa locals. No’ng nag-propose ako, na-realize ko na mayroong meaning ‘yon. Bigay ni Lord talaga kasi before hindi natutuloy ‘yung proposal ko. Mag-iipon muna bago magpakasal. Ang dream ko parehas flower girls ang dalawang anak ko,” pagdedetalye ng aktor. — Reports from JCC

ACTOR

ROMNICK SARMENTA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with